Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil sa walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos sa akin, naging gaya ako ng isang mahusay na tagapagtayo.* Naglagay ako ng pundasyon+ pero iba ang nagtatayo rito. Kaya patuloy na bantayan ng bawat isa kung paano siya nagtatayo rito.

  • 1 Corinto 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ayon sa di-sana-nararapat na kabaitan+ ng Diyos na ibinigay sa akin, gaya ng isang marunong na tagapangasiwa ng mga gawain ay naglatag ako ng pundasyon,+ ngunit iba naman ang nagtatayo sa ibabaw nito. Ngunit patuloy na ingatan ng bawat isa kung paano siya nagtatayo sa ibabaw nito.+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:10

      Ang Bantayan,

      7/15/1999, p. 13

      11/1/1998, p. 8-10, 14-15

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:10

      mahusay na tagapagtayo: O “marunong na tagapangasiwa sa mga gawain.” Karaniwan na, ang “tagapagtayo” (sa Griego, ar·khi·teʹkton, na puwedeng literal na isaling “punong manggagawa”) ay nasa mismong lugar ng konstruksiyon at nangunguna sa pagtatayo. Siya ang pumipili sa mga manggagawa at nangangasiwa sa trabaho nila. Sa talatang ito, inihalintulad ni Pablo ang sarili niya sa isang tagapagtayo na gumagawang kasama ng Diyos para sa isang proyekto—ang pagtulong sa mga Kristiyanong alagad na magkaroon ng matibay na pundasyon. (1Co 3:9-16) Dito lang lumitaw ang terminong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan; ang kaugnay na terminong Griego na teʹkton ay isinasaling “karpintero” at ginamit para kay Jesus at sa ama-amahan niyang si Jose.—Tingnan ang study note sa Mat 13:55; Mar 6:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share