-
1 Corinto 5:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sa aking liham ay sinulatan ko kayo na tigilan ang pakikihalubilo sa mga mapakiapid,
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sa liham ko sa inyo: Maliwanag na tinutukoy dito ni Pablo ang isang nauna niyang liham sa mga taga-Corinto, na hindi na nakarating sa atin. Lumilitaw na hindi na ito ipinasama ng Diyos sa Kasulatan, posibleng dahil para lang ito sa mga tumanggap ng sulat noon.—Tingnan ang study note sa 1Co 1:2.
tigilan ang pakikisama: Tingnan ang study note sa 1Co 5:11.
mga imoral: Salin ito ng pangngalang Griego na porʹnos, na kaugnay ng pangngalang por·neiʹa (seksuwal na imoralidad, 1Co 5:1) at ng pandiwang por·neuʹo (mamihasa sa seksuwal na imoralidad, 1Co 6:18). (Tingnan sa Glosari, “Seksuwal na imoralidad.”) Kilalá noon ang Corinto sa pagkakaroon ng mababang moralidad at sa pagsamba sa diyosang si Aphrodite. Itinataguyod ng pagsambang iyon ang kahalayan at imoralidad. (Ihambing ang study note sa 1Co 7:2.) Sinabi ni Pablo na ang ilang Kristiyano noon sa Corinto ay dating imoral pero nagbago at naging mabubuting kasama.—1Co 6:11.
-