-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Alisin ninyo ang masama sa gitna ninyo: Sa simula ng kabanatang ito, sinabi ni Pablo na dapat alisin ang isang taong imoral sa kongregasyon. (1Co 5:1, 2; tingnan ang study note sa 1Co 5:1, 5.) Para ipakita ang basehan ng sinabi ni Pablo, sinipi niya ang utos ni Jehova sa Israel: “Alisin ang kasamaan sa gitna ninyo.” (Deu 17:7) Lumilitaw na sumipi siya mula sa Septuagint, kung saan ang mababasa ay “ang masama” sa halip na “ang kasamaan.” May mga katulad na utos ding mababasa sa Deu 19:19; 22:21, 24; 24:7.
-