Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 6:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Kung ang sinuman sa inyo ay may reklamo laban sa iba,+ bakit kayo nangangahas na pumunta sa hukuman sa harap ng mga taong di-matuwid, at hindi sa harap ng mga banal?

  • 1 Corinto 6:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ang sinuman ba sa inyo na may usapin+ laban sa iba ay nangangahas na magtungo sa hukuman sa harap ng mga taong di-matuwid,+ at hindi sa harap ng mga banal?+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:1

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 808

      Ang Bantayan,

      5/1/1995, p. 30

      11/1/1988, p. 22-23

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:1

      pumunta sa hukuman sa harap ng mga taong di-matuwid: Hindi sumusunod sa mga batas ng Diyos ang mga hukom sa sanlibutan, at hindi sinanay sa Salita ng Diyos ang konsensiya nila. Tinawag sila ni Pablo na “mga taong di-matuwid,” posibleng dahil tiwali ang marami sa mga hukom noon. Kapag dinadala ng mga Kristiyano ang kapatid nila sa ganitong mga hukom, para bang sinasabi nila na walang kakayahan ang mga elder sa kongregasyon na humatol sa “mga bagay-bagay sa buhay na ito.” (1Co 6:3-5) Pero ang totoo, ang mga pinahirang Kristiyano na mamamahalang kasama ng Panginoong Jesu-Kristo sa langit ay hahatol hindi lang sa mga tao, kundi pati sa mga anghel. (Tingnan ang study note sa 1Co 6:3.) Sinabi ni Pablo na mas mabuti pang hayaan na lang ng mga Kristiyano na ‘gawan sila ng mali,’ o malugi sila, kaysa ipaalám pa sa publiko ang problema at magkabaha-bahagi ang kongregasyon.—1Co 6:7, 8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share