-
1 Corinto 7:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Dahil ang di-sumasampalatayang asawang lalaki ay napababanal dahil sa asawa niya, at ang di-sumasampalatayang asawang babae ay napababanal dahil sa kaniyang sumasampalatayang asawa; kung hindi gayon ay marumi sana ang inyong mga anak, pero banal na sila ngayon.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
di-sumasampalatayang: Sa kontekstong ito, ginamit ni Pablo ang terminong ‘di-sumasampalataya’ para sa mga hindi nananampalataya sa pantubos ni Jesu-Kristo. Ang mga taong ito ay bahagi ng maruming sanlibutan at bihag ng kasalanan. Kahit may mga di-mánanampalatayá na tapat naman at hindi imoral, hindi pa rin sila banal, o malinis, sa mata ng Diyos.—Ju 8:34-36; 2Co 6:17; San 4:4; tingnan ang study note sa napababanal dahil sa sa talatang ito.
napababanal dahil sa: Ang pandiwang Griego na ha·gi·aʹzo, na isinalin ditong “napababanal,” at ang kaugnay na pang-uring haʹgi·os, na nangangahulugang “banal,” ay nagpapahiwatig ng pagiging nakabukod para sa Diyos. Ang lahat ng napabanal ay sagrado, malinis, at ibinukod para sa paglilingkod sa Diyos. (Mar 6:20; 2Co 7:1; 1Pe 1:15, 16; tingnan sa Glosari, “Banal; Kabanalan.”) Nagkakaroon ng ganitong malinis na katayuan sa harap ng Diyos ang mga nananampalataya sa pantubos na inilaan niya sa pamamagitan ng kaniyang Anak.—Tingnan ang study note sa di-sumasampalatayang sa talatang ito.
banal: Hindi sinasabi ni Pablo na ang mismong buklod ng pag-aasawa ang ‘nagpapabanal’ sa isang di-sumasampalatayang asawa. Posibleng may ginagawa itong mali o marumi. Sinasabi lang ni Pablo na ang di-sumasampalataya ay napababanal “dahil” sa sumasampalatayang asawa niya. Kaya para sa Diyos, malinis at marangal ang pagsasama nila. Dahil sa sumasampalatayang asawa, ang mga anak ay maituturing ding banal at aalagaan at poprotektahan sila ng Diyos. Mas maganda ang kalagayan ng mga batang ito kaysa sa mga batang walang isa mang magulang na sumasampalataya.
-