-
1 Corinto 14:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Dahil kapag naghahandog ka ng papuri gamit ang kaloob ng espiritu, paano magsasabi ng “Amen” sa binigkas mong pasasalamat ang karaniwang tao sa gitna ninyo kung hindi niya naintindihan ang sinabi mo?
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
magsasabi ng “Amen” sa binigkas mong pasasalamat: Ang salitang Griego na a·menʹ ay transliterasyon ng Hebreong ʼa·menʹ, na nangangahulugang “mangyari nawa,” o “tiyak nga.” Mababasa sa maraming teksto na sa pagtatapos ng isang pampublikong panalangin, nagsasabi ng amen ang mga nakikinig. (1Cr 16:36; Ne 5:13; 8:6) Ipinapakita ng sinabi dito ni Pablo na ang mga Kristiyano ay sumusunod pa rin sa parisang ito at sama-samang nagsasabi ng amen sa panalangin. Pero hindi espesipikong binanggit ni Pablo kung ang amen nila ay malakas o sa puso lang.—Tingnan sa Glosari, “Amen,” at study note sa Ro 1:25.
-