-
1 Corinto 14:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Gayunman, kung nanghuhula kayong lahat at pumasok ang isang di-sumasampalataya o karaniwang tao, siya ay masasaway at maingat na masusuri ng lahat.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pumasok ang isang di-sumasampalataya o karaniwang tao: Bukod sa mga “mananampalataya,” o mga tumanggap kay Kristo at nabautismuhan (Gaw 8:13; 16:31-34; 18:8), tinatanggap din sa pulong ng mga Kristiyano ang mga “di-sumasampalataya” (1Co 14:22). Siguradong iba-iba ang pagsulong ng mga “di-sumasampalataya” (sa Griego, aʹpi·stos) at mga “karaniwang tao” (sa Griego, i·di·oʹtes) na dumadalo sa ganitong mga pulong pagdating sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at pagsasabuhay nito. Pero anuman ang antas ng pagsulong nila, makikinabang sila sa mga katotohanang maririnig nila dahil masasaway sila nito at “magiging malinaw” sa kanila ang laman ng puso nila.—1Co 14:23-25; 2Co 6:14.
-