Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 15:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Kung gaya ng ibang tao* ay nakipaglaban ako sa mababangis na hayop sa Efeso,+ ano ang pakinabang ko roon? Kung hindi bubuhaying muli ang mga patay, “kumain tayo at uminom, dahil bukas ay mamamatay tayo.”+

  • 1 Corinto 15:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Kung, tulad ng mga tao, ako ay nakipaglaban sa mababangis na hayop sa Efeso,+ anong kabutihan ang dulot nito sa akin? Kung ang mga patay ay hindi ibabangon, “kumain tayo at uminom, sapagkat bukas ay mamamatay tayo.”+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 15:32

      Lubusang Magpatotoo, p. 163

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      12/2020, p. 9-10

      Kaunawaan, p. 188-189, 562-563, 644, 698

      Ang Bantayan,

      3/1/2013, p. 3

      10/15/2007, p. 3

      6/15/2002, p. 26-28

      7/15/2000, p. 18

      7/1/1998, p. 17-18

      11/1/1997, p. 24-25

      8/15/1997, p. 12

      11/1/1996, p. 16

      9/15/1990, p. 24

      2/15/1989, p. 5

      6/15/1988, p. 18-19

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15:32

      nakipaglaban ako sa mababangis na hayop sa Efeso: Kadalasan nang inihahagis ng mga Romano ang mga kriminal sa mababangis na hayop sa arena. Sinasabi ng mga iskolar na hindi binibigyan ng ganitong parusa ang mga mamamayang Romano gaya ni Pablo, pero may mga ebidensiya na may ilang mamamayang Romano na inihagis sa mababangis na hayop o ipinanlaban sa mga ito. Ang binanggit ni Pablo sa 2 Corinto ay puwedeng tumukoy sa literal na pakikipaglaban sa mababangis na hayop sa arena. (2Co 1:8-10) Kung inihagis talaga si Pablo sa mababangis na hayop, siguradong naghimala ang Diyos para iligtas siya. (Ihambing ang Dan 6:22.) Posibleng isa ito sa maraming pagkakataon na “nalagay sa bingit ng kamatayan” si Pablo habang naglilingkod. (2Co 11:23) Pero may mga iskolar na nagsasabing makasagisag ang binabanggit dito ni Pablo na mababangis na hayop, at tumutukoy ito sa mababangis na taong umuusig sa kaniya sa Efeso.—Gaw 19:23-41.

      kumain tayo at uminom, dahil bukas ay mamamatay tayo: Sinipi dito ni Pablo ang Isa 22:13, na nagpapakita ng saloobin ng masuwaying mga taga-Jerusalem. Sa halip na magsisi dahil malapit na silang mapuksa, nagpasarap na lang sila sa buhay. Posibleng sinipi ito ni Pablo dahil ganiyan din ang kaisipan ng mga hindi naniniwala sa pagkabuhay-muli. Halimbawa, ang mga Epicureo ay hindi naniniwala sa pagkabuhay-muli kaya nilulubos na nila ang buhay nila. Pero gaya ng idiniin ni Pablo, totoo ang pagkabuhay-muli, kaya may matibay na dahilan ang mga Kristiyano na patuloy na maging mapagsakripisyo.—1Co 15:58.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share