-
2 Corinto 2:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Ang saway na ito na ibinigay ng karamihan ay sapat na para sa gayong tao;
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
saway: O “parusa.” Sa 1 Corinto, nagbigay ng tagubilin si Pablo na ang imoral na lalaking di-nagsisisi ay dapat alisin sa kongregasyon. (1Co 5:1, 7, 11-13) Nagkaroon ng magandang resulta ang disiplinang ito. Naprotektahan ang kongregasyon sa masamang impluwensiya, at taimtim na nagsisi ang nagkasala. Ipinakita ng lalaki sa gawa na talagang nagsisisi siya, kaya sinasabi ngayon ni Pablo na “ang saway na . . . ibinigay ng karamihan ay sapat na” at na dapat siyang tanggapin ulit sa kongregasyon. Kaayon ito ng pamamaraan ni Jehova, na dumidisiplina sa bayan niya “sa tamang antas.”—Jer 30:11.
-