2 Corinto
2 Sapagkat ito ang ipinasiya ko sa aking sarili, na huwag pumariyan sa inyong muli sa kalungkutan.+ 2 Sapagkat kung palulungkutin ko kayo,+ sino nga ang magpapasaya sa akin maliban sa isa na pinalulungkot ko? 3 Kaya nga isinulat ko ang mismong bagay na ito, upang kapag pumariyan ako ay hindi ako malungkot+ dahil doon sa mga dapat kong ipagsaya;+ sapagkat may pagtitiwala ako+ sa inyong lahat na ang kagalakang taglay ko ay yaong sa inyong lahat. 4 Sapagkat mula sa labis na kapighatian at panggigipuspos ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha,+ hindi upang mapalungkot kayo,+ kundi upang malaman ninyo ang pag-ibig na taglay ko lalung-lalo na para sa inyo.
5 Ngayon kung ang sinuman ay nakapagpalungkot,+ pinalungkot niya, hindi ako, kundi sa isang antas ay kayong lahat—hindi sa pagiging napakabagsik sa aking sinasabi. 6 Ang saway+ na ito na ibinigay ng karamihan ay sapat na para sa gayong tao, 7 upang sa kabaligtaran naman ngayon ay may-kabaitan ninyo siyang patawarin+ at aliwin, upang sa paanuman ang gayong tao ay huwag madaig ng kaniyang labis-labis na kalungkutan.+ 8 Kaya nga pinapayuhan ko kayo na pagtibayin ang inyong pag-ibig+ sa kaniya. 9 Sapagkat sa layunin ding ito ay sumusulat ako upang tiyakin ang katunayan tungkol sa inyo, kung masunurin nga kayo sa lahat ng bagay.+ 10 Ang anumang bagay na may-kabaitan ninyong ipinatatawad sa kaninuman ay ipinatatawad ko rin.+ Sa katunayan, sa ganang akin, anuman ang may-kabaitan kong ipinatawad, kung may-kabaitan man akong nagpatawad ng anumang bagay, ito ay alang-alang sa inyo sa paningin ni Kristo; 11 upang huwag tayong malamangan ni Satanas,+ sapagkat hindi naman tayo walang-alam sa kaniyang mga pakana.+
12 Ngayon nang dumating ako sa Troas+ upang ipahayag ang mabuting balita tungkol sa Kristo, at isang pinto ang binuksan sa akin sa Panginoon,+ 13 hindi ako nagkaroon ng ginhawa sa aking espiritu sapagkat hindi ko nasumpungan si Tito+ na aking kapatid, ngunit nagpaalam ako sa kanila at lumisan patungong Macedonia.+
14 Ngunit salamat sa Diyos na laging umaakay+ sa atin sa isang prusisyon ng tagumpay kasama+ ng Kristo at sa pamamagitan natin ay nagpapabatid ng amoy ng kaalaman tungkol sa kaniya sa bawat dako!+ 15 Sapagkat sa Diyos tayo ay mabangong amoy+ ni Kristo sa gitna niyaong mga inililigtas at sa gitna niyaong mga nalilipol;+ 16 sa mga huling nabanggit ay isang amoy na nanggagaling sa kamatayan tungo sa kamatayan,+ sa mga unang nabanggit ay isang amoy na nanggagaling sa buhay tungo sa buhay. At sino ang lubusang kuwalipikado para sa mga bagay na ito?+ 17 Kami nga; sapagkat hindi kami mga tagapaglako ng salita ng Diyos+ gaya ng maraming tao,+ kundi dahil sa kataimtiman, oo, gaya ng isinugo mula sa Diyos, sa paningin ng Diyos, kasama ni Kristo, ay nagsasalita kami.+