-
2 Corinto 2:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Dahil para sa Diyos, tayo ay mabangong amoy ni Kristo sa gitna ng mga inililigtas at sa gitna ng mga malilipol;
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mabangong amoy ni Kristo: Ang salitang Griego na isinalin ditong “mabangong amoy” ay eu·o·diʹa. Ginamit ang terminong ito sa Efe 5:2 at Fil 4:18 kasama ng salitang Griego na o·smeʹ (nangangahulugang “amoy”), at ang kombinasyong ito ay isinalin ding “mabangong amoy.” Sa Septuagint, ang dalawang salitang ito ay madalas na ginagamit na panumbas sa ekspresyong Hebreo para sa “nakagiginhawang amoy” na may kaugnayan sa mga handog sa Diyos. (Gen 8:21; Exo 29:18) Dito at sa naunang talata, itinuloy ni Pablo ang ilustrasyon niya tungkol sa prusisyon ng tagumpay at ikinumpara ang insensong ginagamit dito sa mabangong amoy ni Kristo. Iba-iba ang reaksiyon ng mga tao sa “amoy” na ito; may tatanggap sa mensahe ng mga Kristiyano, at mayroon ding tatanggi.
-