-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gusto nating isuot ang isang iyon: “Gustong-gusto” na ni Pablo at ng iba pang pinahirang Kristiyano na mabuhay-muli tungo sa langit bilang imortal na mga espiritung nilalang. (2Co 5:2) Buhay na buhay sa kanila ang pag-asang ibinigay sa kanila ng Diyos na mabuhay sa langit, pero hindi naman ibig sabihin nito na gusto na nilang mamatay. Sinabi ni Pablo na hindi nila gustong hubarin ang pisikal na katawan nila, na tinawag niyang tolda. (Tingnan ang study note sa 2Co 5:1.) Ibig sabihin, hindi nila gustong mamatay para lang makaiwas sa mga sakit, pati na rin sa mga pananagutan nila at hamon sa ministeryo. (Tingnan ang study note sa 2Co 5:3.) Ang pananalita ni Pablo na “gusto nating isuot ang isang iyon” ay nagpapakita lang na nananabik ang mga pinahirang Kristiyano sa magiging buhay nila sa langit. Gustong-gusto nilang paglingkuran si Jehova magpakailanman, kasama ni Kristo Jesus.—1Co 15:42-44, 53, 54; Fil 1:20-24; 2Pe 1:4; 1Ju 3:2, 3; Apo 20:6.
-