-
2 Corinto 5:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 dahil lumalakad tayo ayon sa pananampalataya, at hindi ayon sa nakikita natin.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lumalakad tayo ayon sa pananampalataya, at hindi ayon sa nakikita natin: Sa Bibliya, ang ekspresyong “lumakad” ay madalas na nangangahulugang “mabuhay; kumilos; sumunod sa isang partikular na paraan ng pamumuhay.” Kaya ang ‘paglakad sa pananampalataya’ ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nagpapakita ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos at sa mga isinisiwalat niya. Sa kabilang banda, ang ‘paglakad ayon sa nakikita’ ay ang paraan ng pamumuhay na nakadepende sa kung ano lang ang nakikita ng mata. Sa kontekstong ito, ang mga pinahirang Kristiyano ang nasa isip ni Pablo. Hindi nakikita ng kanilang literal na mga mata ang gantimpala nila sa langit, pero may matibay silang basehan para manampalataya. Dapat na makita sa paraan ng pamumuhay ng lahat ng Kristiyano ang pananampalataya.
-