-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
matakot sa Panginoon: Sa kontekstong ito, ang “Panginoon” ay maliwanag na tumutukoy kay Jesu-Kristo. Sa naunang talata, sinabi ni Pablo na “tayong lahat ay dapat humarap sa luklukan ng paghatol ng Kristo.” (Tingnan ang study note sa 2Co 5:10.) Inihula ni Isaias ang tungkol sa papel ni Jesus bilang Hukom. (Isa 11:3, 4) Nagkakaroon tayo ng ‘pagkatakot sa Panginoon’ dahil sa malalim na pag-ibig at matinding paggalang kay Jehova, na nag-atas kay Jesus bilang Hukom.—Ju 5:22, 27.
kilalang-kilala kami ng: O “nahayag kami sa.” Kumbinsido si Pablo na alam ng Diyos kung anong uri siya ng tao at ang mga kasama niya. Kaya dito, umaasa si Pablo na makita rin sana ng mga taga-Corinto na mabuti ang motibo at ginagawa nila.
-