-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga nagmamalaki dahil sa panlabas na anyo: Ang pandiwang Griego para sa “magmalaki” (kau·khaʹo·mai ) ay madalas na nagpapahiwatig ng pagtataas sa sarili. Maraming beses itong ginamit sa mga liham ni Pablo para sa mga taga-Corinto. Ipinapakita ng Bibliya na walang dahilan ang isang tao na ipagmalaki ang sarili niya o ang mga nagagawa niya. (Jer 9:23, 24) Nagbigay ng matinding payo si apostol Pablo sa kongregasyon na wala silang ibang dapat ipagmalaki kundi ang Diyos na Jehova at ang mga ginawa Niya para sa kanila.—1Co 1:28, 29, 31; 4:6, 7; 2Co 10:17.
-