Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 5:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kaya mula ngayon, hindi na namin tinitingnan ang sinuman ayon sa pananaw ng tao.+ Kung noon ay tiningnan namin si Kristo ayon sa pananaw ng tao, hindi na gayon ang tingin namin sa kaniya ngayon.+

  • 2 Corinto 5:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Dahil dito mula ngayon ay hindi na namin kilala ang sinumang tao ayon sa laman.+ Kung nakilala man namin si Kristo ayon sa laman,+ tiyak na hindi na namin siya kilala ngayon nang gayon.+

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:16

      Ang Bantayan,

      7/15/2008, p. 28

      12/15/1998, p. 16-17

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:16

      ayon sa pananaw ng tao: Lit., “ayon sa laman.” Sa kontekstong ito, ang “laman” (sa Griego, sarx) ay tumutukoy sa mga bagay na may kaugnayan sa limitasyon ng mga tao, kasama na ang pangangatuwiran nila at ang mga nagagawa nila. (Tingnan ang study note sa Ro 3:20; 8:4.) Sinasabi dito ni Pablo na hindi dapat tingnan ng mga Kristiyano ang isa’t isa ayon sa katayuan nila sa buhay, kayamanan, lahi, bansa, o iba pang bagay na gaya nito. Namatay si Kristo para sa lahat, kaya walang halaga ang mga pagkakaibang ito. Ang mahalaga ay ang espirituwal na kaugnayan ng magkakapananampalataya.—Mat 12:47-50.

      hindi na gayon ang tingin namin sa kaniya ngayon: Kung may mga Kristiyano noon na tiningnan si Jesus ayon sa pananaw ng tao—at umasang ibabalik niya ang kaharian ng likas na mga Judio—nagbago na ang pananaw nila. (Ju 6:15, 26) Naintindihan ng mga Kristiyano na ibinigay ni Jesus ang pisikal na katawan niya bilang pantubos at na isa na siya ngayong espiritung nagbibigay-buhay.—1Co 15:45; 2Co 5:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share