-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ipinagkasundo niya kami sa sarili niya: Kailangang makipagkasundo ng lahat ng tao sa Diyos dahil ang unang tao, si Adan, ay naging masuwayin at naipasa niya ang kasalanan at pagiging di-perpekto sa lahat ng inapo niya. (Ro 5:12) Kaya ang mga tao ay napalayo sa Diyos at naging kaaway niya, dahil labag sa pamantayan niya na kunsintihin ang mga pagkakasala. (Ro 8:7, 8) Ang mga salitang Griego para sa “makipagkasundo” at “pakikipagkasundo” ay pangunahin nang nangangahulugang “magbago; makipagpalitan,”at sa kontekstong ito, nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng malapít at magandang kaugnayan sa Diyos mula sa pagiging kaaway niya. Ipinapakita dito ni Pablo na ang Diyos ang unang kumilos para maipagkasundo sila (si Pablo, ang mga kasama niya, at ang lahat ng pinahirang Kristiyano) sa sarili niya sa pamamagitan ni Kristo, o ng haing pantubos ni Kristo. Pagkatapos, sinabi ni Pablo na ibinigay ng Diyos sa kanila “ang ministeryo ng pakikipagkasundo.”—Tingnan ang study note sa Ro 5:10.
ministeryo ng pakikipagkasundo: Ginagawa ang ministeryong ito para maipagkasundo ang mga tao sa Diyos “sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak.” (Ro 5:10) Kasama dito ang agarang pagsasabi sa mga taong malayo sa Diyos ng mensaheng tutulong sa kanila na magkaroon ng mapayapang kaugnayan sa kaniya at maging kaibigan niya.—2Co 5:18-20; para sa impormasyon tungkol sa terminong “ministeryo” (sa Griego, di·a·ko·niʹa), tingnan ang study note sa Gaw 11:29; Ro 11:13.
-