Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 5:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ang isa na walang kasalanan+ ay ginawa niyang kasalanan* alang-alang sa atin, para maging matuwid tayo sa harap ng Diyos sa pamamagitan niya.+

  • 2 Corinto 5:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ang isa na hindi nakakilala ng kasalanan+ ay ginawa niyang kasalanan+ para sa atin, upang kami ay maging katuwiran ng Diyos+ sa pamamagitan niya.

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:21

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 761

      Ang Bantayan,

      8/15/2000, p. 18-19

      12/15/1998, p. 18

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:21

      Ang isa na walang kasalanan: Tumutukoy kay Jesus, na hindi kailanman nagkasala. Gayunman, ginawa siya ni Jehova na “kasalanan alang-alang sa atin.” Isinaayos ni Jehova na mamatay si Jesus bilang handog para sa kasalanan ng mga tao. (Ihambing ang Lev 16:21; Isa 53:12; Gal 3:13; Heb 9:28.) Ang pariralang “ginawa[ng] kasalanan alang-alang sa atin” ay puwede ring isaling “ginawang handog para sa kasalanan natin.” Sinabi ni apostol Juan tungkol kay Jesus: “Siya ay pampalubag-loob na handog [o, “handog na pambayad-sala”] para sa mga kasalanan natin, pero hindi lang para sa atin kundi para din sa buong sangkatauhan.” (1Ju 2:2) Nakakalapit lang ang mga Israelita noon sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na hayop, pero ang mga Kristiyano ay nakakalapit sa Diyos sa pamamagitan ng handog ni Jesu-Kristo, na di-hamak na nakahihigit sa mga handog noon.—Ju 14:6; 1Pe 3:18.

      para maging matuwid tayo sa harap ng Diyos sa pamamagitan niya: Ibig sabihin, sa pamamagitan ni Jesus. Posibleng ang nasa isip dito ni Pablo ay ang hula ni Isaias tungkol sa lingkod ni Jehova, ang Mesiyas, na ‘aakay sa maraming tao para magkaroon sila ng matuwid na katayuan.’—Isa 53:11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share