Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 6:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At puwede bang magkaisa si Kristo at si Belial?*+ O may pagkakapareho ba ang isang mananampalataya* at isang di-sumasampalataya?+

  • 2 Corinto 6:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Karagdagan pa, anong pagkakasuwato mayroon sa pagitan ni Kristo at ni Belial?+ O anong bahagi+ mayroon ang isang tapat na tao sa isang di-sumasampalataya?

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:15

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 371

      Ang Bantayan,

      11/1/1989, p. 18-22

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:15

      magkaisa: O “magkasundo.” Ang salitang Griego na ginamit dito, sym·phoʹne·sis, ay literal na nangangahulugang “tumunog nang magkasama.” Puwede itong tumukoy sa magandang musikang nalilikha ng pinagsama-samang instrumento. Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang ito ay nangangahulugang “pagkakaroon ng parehong interes.” Kaya ang sagot sa unang retorikal na tanong sa talatang ito ay “Siyempre, hindi puwedeng magkaisa, o magkasundo, si Kristo at si Satanas.”

      Belial: Ang terminong ito, na dito lang ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ay isang tawag kay Satanas. Sa mga Griegong manuskrito, ginamit ang ispeling na Be·liʹar, at ganito ang makikita sa ilang salin. Pero ang terminong Griego na ito ay katumbas ng beli·yaʹʽal, isang terminong Hebreo na nangangahulugang “walang kuwenta; walang silbi.” Puwede itong tumukoy sa mga ideya, salita, at payo (Deu 15:9; Aw 101:3; Na 1:11, kung saan isinalin itong “masama”), pati na sa isang “masamang” pangyayari. (Aw 41:8). Pinakamadalas itong tumukoy sa walang kuwenta at pinakamababang uri ng mga tao, gaya ng mga nanghihikayat sa bayan ni Jehova na sumamba sa ibang mga diyos. (Deu 13:13) Ginamit din ang ekspresyong ito sa ibang mga talata para tumukoy sa masasamang tao. (Huk 19:22-27; 20:13; 1Sa 25:17, 25; 2Sa 20:1; 22:5; 1Ha 21:10, 13) Noong unang siglo C.E., ginamit ang Belial para tumukoy kay Satanas. Sa Syriac na Peshitta, “Satanas” ang ginamit dito sa 2Co 6:15. Kadalasan nang Satanas ang tawag ni Pablo sa kaaway ng Diyos (Ro 16:20; 2Co 2:11), pero tinatawag niya rin itong “Diyablo” (Efe 6:11; 1Ti 3:6), “isa na masama” (2Te 3:3), at “diyos ng sistemang ito” (2Co 4:4).

      may pagkakapareho ba ang isang mananampalataya at isang di-sumasampalataya?: O “anong bahagi mayroon ang isang mananampalataya sa isang di-sumasampalataya?” Ang salitang Griego dito na me·risʹ, na nangangahulugang “bahagi,” ay ginamit sa Gaw 8:21 sa katulad na diwa, kung saan isinalin din itong “bahagi.”

      mananampalataya: O “tapat na tao.” Ang salitang Griego na pi·stosʹ ay puwedeng tumukoy sa isang tao na nagtitiwala, o nananampalataya, sa isang indibidwal o isang bagay. Pero puwede rin itong tumukoy sa isang taong pinagkakatiwalaan, tapat, at maaasahan. Sa ilang kaso, gaya sa talatang ito, parehong posible ang dalawang kahulugang ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share