-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ikatlong pagkakataon: Tingnan ang study note sa 2Co 12:14.
Sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi: Sa Kautusang Mosaiko, kailangan ang “patotoo” (lit., “bibig”) ng dalawa o tatlo pa ngang testigo para mahatulan ng mga hukom ang akusado. (Deu 17:6; 19:15) Sang-ayon si Jesus sa pamantayang iyon. (Mat 18:16; Ju 8:17, 18) Ang salitang “bibig” ay ginamit na tayutay (metonimya) para sa sasabihin, o testimonya, ng mga saksi. Nang banggitin ni Pablo ang tungkol sa mga pagbisita niya sa Corinto, sinipi niya ang Deu 19:15 at ipinakita na sinusunod ng kongregasyong Kristiyano ang prinsipyong ito.—1Ti 5:19.
-