Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Efeso 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Ako si Pablo, isang apostol ni Kristo Jesus dahil sa kalooban ng Diyos. Sumusulat ako sa mga banal sa Efeso+ at mga tapat na kaisa ni Kristo Jesus:

  • Efeso 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Si Pablo, isang apostol+ ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos,+ sa mga banal na nasa Efeso at mga tapat+ na kaisa+ ni Kristo Jesus:

  • Efeso
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:1

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 645-646

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 221

  • Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:1

      apostol: Tingnan ang study note sa Ro 1:1.

      mga banal: Tingnan ang study note sa Ro 1:7.

      sa Efeso: Mababasa ang pananalitang ito sa sinaunang maaasahang mga manuskrito at sinaunang mga salin, pero hindi ito lumitaw sa lahat ng sinaunang manuskritong Griego. May ilan na hindi naniniwalang bahagi ito ng orihinal na teksto, at sinasabi nila na sa Laodicea ipinadala ni Pablo ang liham na ito. (Col 4:16) Pero hindi mababasa ang “para sa [o, “sa”] Laodicea” sa kahit anong manuskrito. Isa pa, sa lahat ng manuskritong Griego na wala ang pananalitang “sa Efeso” sa talatang ito, pinamagatan pa rin itong “Para sa mga Taga-Efeso.” Gayundin, tinatanggap ng mga manunulat noon na ang liham na ito ay para sa mga taga-Efeso. At Efeso lang ang lunsod na nabanggit sa kahit anong manuskrito ng liham na ito.

      Efeso: Noong panahon ng Bibliya, ang lunsod na ito ay mayaman at sentro ng relihiyon at komersiyo sa kanlurang baybayin ng Asia Minor, katapat ng isla ng Samos. Ang Efeso ang kabisera ng Romanong lalawigan ng Asia.—Tingnan sa Glosari, Ap. B13, at Media Gallery, “Ang Teatro at Iba Pang Lugar sa Efeso.”

      na kaisa ni: Lit., “kay.” Ang ekspresyong ito ay nagpapakita ng malapít na ugnayan, magandang samahan, at pagkakaisa. Sa liham ni Pablo sa mga taga-Efeso, maraming beses niyang binanggit na ang mga pinahirang Kristiyano ay “kaisa ni” Kristo Jesus, na nagdiriin ng mahalagang papel ni Kristo sa pagkakaroon ng pagkakaisa.—Bilang halimbawa, tingnan ang Efe 1:4, 11; 2:13, 21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share