Efeso
1 Si Pablo, isang apostol+ ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos,+ sa mga banal na nasa Efeso at mga tapat+ na kaisa+ ni Kristo Jesus:
2 Magkaroon nawa kayo ng di-sana-nararapat na kabaitan+ at kapayapaan+ mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Kristo.
3 Pagpalain nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo,+ sapagkat pinagpala niya tayo+ ng bawat espirituwal na pagpapala sa makalangit na mga dako+ kaisa ni Kristo, 4 kung paanong pinili+ niya tayo na kaisa niya bago pa ang pagkakatatag+ ng sanlibutan, upang tayo ay maging banal at walang dungis+ sa harap niya sa pag-ibig.+ 5 Sapagkat patiuna niya tayong itinalaga+ sa pag-aampon+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo bilang mga anak+ sa ganang kaniya, ayon sa ikinalulugod ng kaniyang kalooban,+ 6 bilang papuri+ sa kaniyang maluwalhating di-sana-nararapat na kabaitan+ na may-kabaitan niyang iginawad sa atin sa pamamagitan ng isa na kaniyang iniibig.+ 7 Sa pamamagitan niya ay taglay natin ang paglaya sa pamamagitan ng pantubos dahil sa dugo+ ng isang iyon, oo, ang kapatawaran+ ng ating mga pagkakamali, ayon sa kayamanan ng kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan.+
8 Ito ay pinanagana niya sa atin sa buong karunungan+ at katinuan, 9 anupat ipinaalam niya sa atin ang sagradong lihim+ ng kaniyang kalooban. Ito ay ayon sa kaniyang ikinalulugod na nilayon niya sa kaniyang sarili+ 10 ukol sa isang pangangasiwa+ sa hustong hangganan ng mga takdang panahon,+ samakatuwid nga, upang muling tipunin+ ang lahat ng mga bagay kay Kristo,+ ang mga bagay na nasa langit+ at ang mga bagay na nasa lupa.+ Oo, sa kaniya, 11 na kaisa niya ay itinakda rin tayo bilang mga tagapagmana,+ yamang patiuna tayong itinalaga ayon sa layunin niya na nagpapakilos ng lahat ng mga bagay ayon sa ipinapasiya ng kaniyang kalooban,+ 12 upang maglingkod tayo sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian,+ tayo na mga naunang umasa kay Kristo.+ 13 Ngunit kayo rin ay umasa sa kaniya pagkatapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan,+ ang mabuting balita tungkol sa inyong kaligtasan.+ Sa pamamagitan din niya, pagkatapos ninyong maniwala, kayo ay tinatakan+ ng ipinangakong banal na espiritu,+ 14 na isang paunang tanda+ ng ating mana,+ sa layuning palayain sa pamamagitan ng pantubos+ ang sariling pag-aari+ [ng Diyos], sa kaniyang maluwalhating kapurihan.
15 Iyan ang dahilan kung bakit ako rin, yamang narinig ko ang taglay ninyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at sa lahat ng mga banal,+ 16 ay hindi tumitigil sa pagpapasalamat dahil sa inyo. Patuloy ko kayong binabanggit sa aking mga panalangin,+ 17 upang ang Diyos ng ating Panginoong Jesu-Kristo, ang Ama ng kaluwalhatian, ay magbigay sa inyo ng espiritu ng karunungan+ at ng pagsisiwalat sa tumpak na kaalaman tungkol sa kaniya;+ 18 yamang ang mga mata+ ng inyong puso ay naliwanagan na,+ upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa+ na doon ay tinawag niya kayo, kung ano ang maluwalhating kayamanan+ na kaniyang taglay bilang mana para sa mga banal,+ 19 at kung ano ang nakahihigit na kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan+ sa atin na mga mananampalataya. Ito ay ayon sa pagkilos+ ng kapangyarihan ng kaniyang kalakasan, 20 na sa pamamagitan nito ay kumilos siya may kaugnayan sa Kristo nang kaniyang ibangon siya mula sa mga patay+ at paupuin siya sa kaniyang kanan+ sa makalangit na mga dako,+ 21 na lubhang mataas pa sa bawat pamahalaan at awtoridad at kapangyarihan at pagkapanginoon+ at bawat pangalang ipinangalan,+ hindi lamang sa sistemang ito ng mga bagay,+ kundi doon din sa darating.+ 22 Ipinasakop din niya ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa,+ at ginawa siyang ulo sa ibabaw ng lahat ng mga bagay+ sa kongregasyon, 23 na siyang katawan niya,+ ang kalubusan+ niya na pumupuno sa lahat ng mga bagay sa lahat.+