Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Nahihirapan akong pumili sa dalawang ito, dahil di-hamak na mas maganda ang talagang gusto ko, ang mapalaya at makasama si Kristo.+

  • Filipos 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ako ay nasa ilalim ng panggigipit mula sa dalawang bagay na ito;+ ngunit ang akin ngang ninanais ay ang paglaya at ang pagiging kasama ni Kristo,+ sapagkat ito, sa katunayan, ay lalong higit na mabuti.+

  • Filipos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:23

      Ang Bantayan,

      8/15/2008, p. 28

      3/1/1995, p. 30-31

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:23

      Nahihirapan akong pumili sa dalawang ito: Habang nakabilanggo si Pablo sa sariling bahay at naghihintay na litisin sa harap ni Cesar, nahihirapan siyang pumili sa dalawang posibleng mangyari. Kung mananatili siyang buháy, patuloy siyang makakapaglingkod sa mga kapatid. Pero puwede rin siyang mamatay bilang tapat na lingkod ng Diyos. (2Ti 4:7, 8) Hindi direktang sinabi ni Pablo kung ano ang mas gusto niya. (Fil 1:22) Pero sinabi niyang mas maganda na “mapalaya at makasama si Kristo.” Alam niyang matatanggap lang niya ang gantimpala sa langit sa panahon ng presensiya ni Kristo kung mananatili siyang tapat hanggang kamatayan.—Apo 2:10.

      mapalaya: Lumilitaw na ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang kamatayan niya. Sa ikalawang liham niya kay Timoteo, na isinulat noong mga 65 C.E., gumamit siya ng isang kaugnay na salitang Griego nang sabihin niya tungkol sa kamatayan niya: “Malapit na akong lumaya.” (2Ti 4:6) Lumilitaw na ang ekspresyong “mapalaya at makasama si Kristo” ay kaayon ng sinabi ni Pablo sa 2Co 5:8: “Mas gusto nating manirahan kasama ng Panginoon sa halip na sa katawang ito.” Itinuring niyang ‘paglaya’ ang kamatayan niya bilang tapat na pinahirang lingkod ng Diyos, dahil ito ang paraan para buhayin siyang muli at maging bahagi ng “Kaharian [ni Kristo] sa langit.” (2Ti 4:18) Gaya ng ipinaliwanag ni Pablo sa 1Co 15:23, “ang mga kay Kristo” ay bubuhaying muli tungo sa langit sa “panahon ng . . . presensiya” ni Kristo. Kaya sinasabi dito ni Pablo na gusto niyang mamatay nang tapat para mabuhay siyang muli tungo sa langit. Karaniwan lang noon na tukuying ‘paglaya’ ang kamatayan, gaya ng pagkakagamit ni Pablo sa terminong ito, dahil may iba pang Griegong manunulat na gumawa nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share