Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 4:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Binabati rin kayo ng lahat ng banal, lalo na ng mga mula sa sambahayan ni Cesar.+

  • Filipos 4:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ang lahat ng mga banal, ngunit lalo na yaong mga nasa sambahayan ni Cesar, ay nagpapadala sa inyo ng kanilang mga pagbati.+

  • Filipos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:22

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 487

      Ang Bantayan,

      2/15/2013, p. 16

      3/1/2011, p. 23

      12/1/1998, p. 12

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 224

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:22

      sambahayan ni Cesar: Sa panahong ito (mga 61 C.E.), si Nero ang Cesar, o emperador, sa Roma. (Tingnan sa Glosari, “Cesar.”) Hindi lang tumutukoy sa mismong pamilya ng emperador ang sambahayan ni Cesar. Lumilitaw na bahagi rin ng sambahayang ito ang mga lingkod niya, na posibleng umaabot nang libo-libo. Kasama dito ang mga alipin, taong pinalaya, mga opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa Roma at sa mga lalawigan nito, pati na rin ang mga asawa’t anak nila. Ginamit din ng Judiong manunulat na si Philo ng Alejandria ang ekspresyong Griego na ito para tumukoy sa malaking grupo na iyon. (Flaccus, 35) Hindi binanggit ni Pablo kung paano niya nakilala ang mga Kristiyano sa sambahayan ni Cesar noong mga panahong nakabilanggo siya sa Roma; hindi rin niya sinabi kung siya ang tumulong sa kanila na makumberte. Hindi rin binanggit kung ano ang kaugnayan ng mga taga-Filipos sa sambahayan ni Cesar. Posibleng kamag-anak o kaibigan ng ilang Kristiyano sa Filipos ang ilang Kristiyano sa sambahayan ni Cesar. Posible ring miyembro ng sambahayang ito ang ilan sa mga tapat na binati ni Pablo sa dulo ng liham niya sa mga taga-Roma.—Ro 16:3-16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share