-
Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kahit nagdurusa kayo: Tumutukoy ito sa pag-uusig na naranasan ng kongregasyon sa Tesalonica di-nagtagal matapos ibahagi sa kanila nina Pablo at Silas ang mabuting balita. Nagalit ang panatikong mga Judio sa paglaganap ng mabuting balita kaya sinulsulan nila ang mga tao na sugurin ang bahay kung saan nakatuloy si Pablo. Dahil hindi nila nakita si Pablo, kinaladkad nila ang may-ari ng bahay na si Jason at ang ilang kapatid papunta sa mga tagapamahala ng lunsod at inakusahan ang mga ito ng sedisyon. Kinagabihan, kinumbinsi ng mga kapatid sina Pablo at Silas na umalis ng lunsod at magpunta sa Berea. (Gaw 17:1-10) Kitang-kita ang pagkilos ng banal na espiritu sa mga Kristiyano sa Tesalonica dahil nakapanatili silang masaya sa kabila ng ganitong pag-uusig.
-