-
Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hindi talaga natin maiiwasang pagdusahan ang mga bagay na ito: O “itinalaga tayo rito.” Hindi naman ito nangangahulugan na may partikular na mga pagsubok na nakatadhanang danasin ng bawat Kristiyano. Ipinapakita lang nito na alam ni Jehova at ng Anak niya na ang kongregasyong Kristiyano ay pag-uusigin dahil sa pangangaral nila. (Mat 10:17, 21-23; 23:34; Ju 16:33) Pero imbes na makahadlang, kadalasan pa ngang nakakatulong ang pag-uusig sa pangangaral nila. Halimbawa, nang kinailangang tumakas ng mga Kristiyano mula sa Jerusalem, naipangaral nila ang mensahe sa mga lupaing pinuntahan nila.—Gaw 8:1-5; 11:19-21.
-