Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Tesalonica 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Hindi dapat lumampas sa limitasyon ang sinuman sa bagay na ito at masamantala* ang kapatid niya, dahil pinaparusahan ni Jehova* ang gumagawa ng mga ito. Noon pa man ay sinabi na namin ito at binigyan namin kayo ng malinaw na babala tungkol dito.

  • 1 Tesalonica 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 upang walang sinumang umabot sa punto ng pamiminsala at manghimasok sa mga karapatan ng kaniyang kapatid sa bagay na ito,+ sapagkat si Jehova ay naglalapat ng kaparusahan dahil sa lahat ng bagay na ito,+ gaya ng sinabi namin sa inyo nang patiuna at pinatotohanan din sa inyo nang lubusan.+

  • 1 Tesalonica
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:6

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 759

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 597

      Gumising!,

      11/2006, p. 29

      4/22/2000, p. 14

      Ang Bantayan,

      6/15/2002, p. 20-21

      1/15/2001, p. 7

      7/15/1997, p. 18

      11/15/1989, p. 31

  • Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:6

      masamantala ang kapatid niya: Ang salitang Griego na isinaling “masamantala” ay kaugnay ng termino para sa “sakim” at tumutukoy sa isa na may labis na seksuwal na pagnanasa, na sarili lang ang iniisip. Puwede rin itong mangahulugang “nakawan,” “linlangin,” o “dayain.” Dito, posibleng ipinapahiwatig ng terminong ito na kapag nakagawa ang isang Kristiyano ng seksuwal na imoralidad kasama ang isang kapananampalataya, para bang ninakawan niya ito ng malinis na konsensiya. Kung may asawa ang sinuman sa kanila, nasisira nito ang tiwala ng napagkasalahang asawa kaya hindi na siya panatag at masaya. Dahil sa imoralidad, nasisira din ang reputasyon ng mga nagkasala, ng mga pamilya nila, at ng kongregasyon. Higit sa lahat, winawalang-galang ng mga gumagawa ng imoralidad ang Diyos.—1Te 4:8.

      dahil pinaparusahan ni Jehova ang gumagawa ng mga ito: Ang pariralang ito ay puwede ring isaling “dahil si Jehova ang Tagapaghiganti sa lahat ng bagay na ito.” Lumilitaw na kinuha ito ni Pablo sa Aw 94:1, kung saan tinawag si Jehova na “Diyos ng paghihiganti.” Pananagutan ng inatasang mga elder na alisin ang mga di-nagsisising nagkasala mula sa kongregasyong Kristiyano (1Co 5:1, 13), pero si Jehova mismo ang maglalapat ng parusa sa mga namimihasa sa seksuwal na imoralidad at hindi nagsisisi.—Para sa paliwanag kung bakit ginamit ang pangalan ng Diyos sa talatang ito, tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; 1Te 4:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share