-
2 Tesalonica 2:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 na huwag ninyong hayaan na agad-agad na malihis ang inyong pangangatuwiran, at huwag kayong maniwala agad sa balitang narito na ang araw ni Jehova,*+ galing man iyon sa isang pagsisiwalat na parang mula sa Diyos+ o sa isang mensahe na narinig ninyo sa iba o sa isang liham na parang galing sa amin.
-
-
Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
araw ni Jehova: Tingnan ang study note sa 1Te 5:2 at introduksiyon sa Ap. C3; 2Te 2:2.
sa isang pagsisiwalat na parang mula sa Diyos: O “sa isang espiritu.” (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Ang salitang Griego na pneuʹma (madalas isaling “espiritu”) ay tumutukoy kung minsan sa isang paraan ng komunikasyon. Halimbawa, sa talatang ito, binanggit ito kasama ng “isang mensahe na narinig” at “isang liham.” Sa ibang mga talata, isinalin ang salitang Griego na ito bilang “pananalita na mula sa masasamang espiritu,” ‘mensaheng galing sa Diyos,’ at “mensaheng galing sa mga demonyo.”— 1Ti 4:1; 1Ju 4:1, 2, 6; Apo 16:14. Ihambing ang study note sa 1Co 12:10.
sa isang liham na parang galing sa amin: Ipinipilit ng ilan sa kongregasyon sa Tesalonica na halos nandiyan na ang panahon ng presensiya ni Jesu-Kristo. Posible pa nga na may isang liham na galing daw kay Pablo na nagpahiwatig na dumating na “ang araw ni Jehova.” Malamang na iyan ang dahilan kaya idiniin ni Pablo na siya talaga ang sumulat ng ikalawang liham niya. Sinabi niya: “Narito ang aking pagbati, at ako mismong si Pablo ang sumulat nito. Ganito lagi ang paraan ko ng pagsulat, para matiyak ninyo na ako ang sumulat nito.”—Tingnan ang study note sa 2Te 3:17.
-