-
2 Tesalonica 2:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 ay umaliw nawa at magpatatag sa inyo para patuloy kayong gumawa at magsalita ng mabubuting bagay.
-
-
Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
umaliw nawa . . . sa inyo: Sa kahilingang ito ni Pablo, ginamit niya ang pandiwang Griego na pa·ra·ka·leʹo, na isinalin ditong “umaliw” at literal na nangangahulugang “tawagin ang isa para tabihan ka.” (Tingnan ang study note sa Ro 12:8.) Matapos sabihin ni Pablo sa talata 16 ang tungkol sa “Diyos . . . na nagmamahal sa atin,” iniugnay niya ang pagkakaroon ng kaaliwan sa katotohanang mahal ni Jehova ang mga lingkod niya. (Ro 8:32, 38, 39; Efe 1:7; 2:4, 5) Siguradong napatibay ng paalalang ito ang mga Kristiyano sa Tesalonica na pinag-uusig noon.—2Te 1:4.
-