Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Oo, talagang mahalaga ang sagradong lihim ng makadiyos na debosyon: ‘Siya ay naging tao,*+ ipinahayag na matuwid sa espiritu,+ nagpakita sa mga anghel,+ ipinangaral sa mga bansa,+ pinaniwalaan sa sanlibutan,+ at tinanggap sa langit at niluwalhati.’

  • 1 Timoteo 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Tunay nga, ang sagradong lihim+ ng makadiyos na debosyong ito ay kinikilalang dakila: ‘Siya ay nahayag sa laman,+ ipinahayag na matuwid sa espiritu,+ nagpakita sa mga anghel,+ ipinangaral sa gitna ng mga bansa,+ pinaniwalaan sa sanlibutan,+ tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.’+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:16

      Malapít kay Jehova, p. 234

      Kaunawaan, p. 252, 1085

      Kaunawaan, p. 1044, 1221

      Ang Bantayan,

      9/15/2008, p. 31

      6/15/2008, p. 13

      2/15/2006, p. 19

      10/15/1997, p. 11

      3/1/1990, p. 18-23

      1/15/1990, p. 10-20

      12/15/1988, p. 6

      Sambahin ang Diyos, p. 57

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:16

      ang sagradong lihim ng makadiyos na debosyon: Sa Kasulatan, dito lang lumitaw nang magkasama ang mga ekspresyong “sagradong lihim” at “makadiyos na debosyon.” (Tingnan ang study note sa Mat 13:11; 1Ti 4:7.) Ito ang tinutukoy ni Pablo na sagradong lihim: May tao bang makakapagpakita ng perpektong debosyon sa Diyos sa buong buhay niya? Hindi ito nagawa ni Adan nang magrebelde siya kay Jehova sa Eden. Kaya napakahalaga ng tanong na ito para sa mga inapo niya. Sa loob ng mga 4,000 taon, nanatiling lihim ang sagot sa tanong na ito. Walang isa man sa di-perpektong inapo nina Adan at Eva ang nakapagpakita ng perpektong katapatan. (Aw 51:5; Ec 7:20; Ro 3:23) Pero si Jesus, na isang perpektong tao na gaya ni Adan, ay nakapagpakita ng makadiyos na debosyon sa lahat ng inisip, sinabi, at ginawa niya, kahit sa harap ng pinakamatitinding pagsubok. (Heb 4:15; tingnan ang study note sa 1Co 15:45.) Tapat at malapít kay Jehova si Jesus dahil tunay at di-makasarili ang pagmamahal niya sa Diyos. Ang perpektong makadiyos na debosyon na ipinakita ni Jesus ang sagot sa sagradong lihim na ito.

      makadiyos na debosyon: Para sa paliwanag sa ekspresyong “makadiyos na debosyon,” tingnan ang study note sa 1Ti 4:7; tingnan din ang study note sa 1Ti 2:2.

      ‘Siya ay . . . niluwalhati’: Posibleng ang nasa loob ng panipi ay galing sa isang kilaláng kasabihan o sa isang awit na kinakanta ng mga Kristiyano noong unang siglo. (Ihambing ang study note sa Efe 5:19.) Ganito ang naging konklusyon ng mga iskolar dahil sa pagkakabuo ng pangungusap at paggamit ng mga paghahalintulad sa orihinal na tekstong Griego.

      naging tao: Lit., “nahayag sa laman.” Lumilitaw na ginamit ang ekspresyong ito para kay Jesus mula nang bautismuhan siya sa Ilog Jordan. (Tingnan ang study note sa Mat 3:17.) Nang pagkakataong iyon, si Jesus ng Nazaret ay naging ang Mesiyas, o ang Pinahiran ni Jehova. Kahit na sa langit nanggaling si Jesus, naging perpektong tao siya na may laman at dugo, at madalas niyang tawagin ang sarili niya na “Anak ng tao.”—Mat 8:20; tingnan sa Glosari, “Anak ng tao.”

      ipinahayag na matuwid sa espiritu: Tumutukoy ang pariralang ito sa panahon kung kailan binuhay-muli ni Jehova ang Anak niya bilang espiritu. (1Pe 3:18) Nang gawin ito ni Jehova, binigyan niya si Jesus ng imortal na buhay. (Ro 6:9; 1Ti 6:16) Sa ganitong paraan, kinumpirma ng Diyos na naging tapat si Jesus sa lahat ng bagay.—Tingnan ang study note sa Ro 1:4.

      nagpakita sa mga anghel: Pagkabuhay-muli kay Jesus, nagpakita siya sa di-tapat na mga anghel, o sa mga demonyo, para ihayag sa kanila ang hatol ng Diyos. (1Pe 3:18-20) Ang mga anghel na ito na nagrebelde noong panahon ni Noe ay nakagapos na ngayon sa makasagisag na paraan. Nasa espirituwal na kadiliman sila, at lumilitaw na hindi na sila puwedeng magkatawang-tao.—2Pe 2:4; Jud 6.

      ipinangaral sa mga bansa: Pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E., nagsimulang mangaral ang mga Kristiyano sa mga tuling Judio at proselita, kahit pa nakatira ang ilan sa mga ito sa mga bansang Gentil. (Gaw 2:5-11) Nang maglaon, nangaral na rin sila sa mga Samaritano. (Gaw 8:5-17, 25) At noong 36 C.E., nagpatotoo si Pedro kay Cornelio at sa iba pang di-tuling Gentil na nasa bahay nito. (Gaw 10:24, 34-43) Pagkatapos, ipinangaral din ni Pablo, ni Timoteo, at ng iba pang misyonero ang mabuting balita sa Asia Minor at Europa. (Gaw 16:10-12) Noong mga 60-61 C.E., sinabi ni Pablo na ang mensaheng dala ng mga Kristiyano ay ‘naipangaral na sa lahat ng nilalang sa buong lupa.’—Col 1:23 at study note; tingnan din ang Gaw 17:6; Ro 1:8, 24, 28; Col 1:6; Ap. B13; at Media Gallery, “Pentecostes 33 C.E. at ang Paglaganap ng Mabuting Balita.”

      pinaniwalaan sa sanlibutan: Ipinangaral ng mga Kristiyano noong unang siglo ang mabuting balita tungkol kay Jesus “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gaw 1:8 at study note) Kaya naging mánanampalatayá ang mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Halimbawa, binabanggit sa aklat ng Gawa na nagkaroon ng bagong mga mánanampalatayá sa Antioquia ng Pisidia, Listra, Iconio (Gaw 13:48; 14:21, 23), Filipos (Gaw 16:12, 33, 34), Tesalonica (Gaw 17:1, 4), Berea (Gaw 17:10-12), Atenas (Gaw 17:16, 34), at Efeso (Gaw 19:17-20).

      tinanggap sa langit at niluwalhati: Tinutukoy dito ni Pablo ang pag-akyat ni Jesus sa langit. (Gaw 1:9, 10) Inilagay siya ni Jehova sa Kaniyang kanan at binigyan ng kaluwalhatiang nakahihigit kaysa sa lahat ng iba pang nilalang sa buong uniberso.—Mat 28:18; Ju 17:5; Fil 2:9; Heb 1:3, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share