Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Pero ang mga determinadong yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa bitag+ at sa maraming walang-saysay at nakapipinsalang pagnanasa, na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at kapahamakan.+

  • 1 Timoteo 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Gayunman, yaong mga determinadong maging mayaman ay nahuhulog sa tukso+ at sa silo at sa maraming hangal at nakasasakit na mga pagnanasa,+ na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at pagkapahamak.+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:9

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      11/2019, p. 17-18

      Ang Bantayan,

      3/15/2011, p. 22-23

      5/15/1998, p. 5-6

      1/15/1998, p. 17

      7/15/1997, p. 13

      8/15/1988, p. 4-6

      5/1/1986, p. 13

      Gumising!,

      6/2007, p. 3, 4-7

      9/22/1997, p. 13-14

      Sambahin ang Diyos, p. 103-104

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:9

      ang mga determinadong yumaman: Hindi tinutukoy dito ni Pablo ang mga paminsan-minsang nag-iisip na gusto nilang magkapera; tinutukoy niya dito ang mga may tunguhin talagang yumaman. Mali ang pananaw nila sa pera dahil may halo na itong kasakiman. Puwedeng magkaroon ng ganitong kaisipan kahit sino, mayaman man o mahirap.

      nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at kapahamakan: Ipinapahamak ng mga determinadong yumaman ang sarili nila sa pisikal, emosyonal, at espirituwal. Ang salitang Griego para sa “nagbubulusok” ay nangangahulugang “hatakin pababa,” o “palubugin.” Sa Luc 5:7, ginamit ang literal na kahulugan ng salitang ito, noong banggitin doon na lumubog ang dalawang bangka dahil sa sobrang dami ng nahuling isda. Ipinapahiwatig ng salitang ito na ang “determinadong yumaman” ay siguradong “[mahuhulog] sa tukso . . . at nakapipinsalang pagnanasa” na puputol sa kaugnayan niya kay Jehova at sisira sa buhay niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share