Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos+ at kapaki-pakinabang sa pagtuturo,+ pagsaway, pagtutuwid, at pagdidisiplina ayon sa katuwiran,+

  • 2 Timoteo 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos+ at kapaki-pakinabang sa pagtuturo,+ sa pagsaway,+ sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay,+ sa pagdidisiplina+ sa katuwiran,

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:16

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      2/2023, p. 11

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, mga artikulo 108, 174

      Malapít kay Jehova, p. 217-218

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 1

      Gumising!,

      Blg. 1 2021 p. 15

      3/2010, p. 28-29

      Kaunawaan, p. 407-409, 656

      Kaunawaan, p. 6, 31, 718

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      5/2016, p. 24

      Ang Bantayan,

      4/15/2013, p. 12-16

      3/1/2010, p. 3-4

      8/1/2009, p. 13

      6/1/2008, p. 20

      5/1/2006, p. 24-25

      1/1/2003, p. 30

      3/1/2002, p. 12

      6/15/1997, p. 3

      9/1/1988, p. 11

      9/15/1986, p. 12-13

      Araw ni Jehova, p. 6

      Kasiya-siyang Buhay, p. 14

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 7, 9, 238-239

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:16

      Ang buong Kasulatan: Malawak ang kahulugan ng ekspresyong ito at siguradong kasama dito ang buong Hebreong Kasulatan. (Luc 24:44 at study note) Alam na alam ni Timoteo ang “banal na mga kasulatan” na iyon. (2Ti 3:15 at study note) Lumilitaw na itinuturing din ng unang-siglong mga Kristiyano na kasama sa Kasulatan ang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na naisulat na nang panahong iyon. Halimbawa, nang isulat ni Pedro ang ikalawang liham niya noong mga 64 C.E. (posibleng ilang panahon lang bago isulat ni Pablo ang liham niyang ito kay Timoteo), ipinahiwatig niya na bahagi ng “Kasulatan” ang ilan sa mga isinulat ni Pablo. (2Pe 3:16; tingnan din ang study note sa 1Co 12:10; 1Ti 5:18.) Nang sabihin ni Pablo na “ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos,” ipinapaalala niya kay Timoteo at sa lahat ng Kristiyano na magtiwala sa karunungan na nasa Salita ng Diyos at umasa dito sa lahat ng gagawin nila.

      mula sa Diyos: Ang ekspresyong ito ay salin ng tambalang salitang Griego na the·oʹpneu·stos. Kombinasyon ito ng mga salitang the·osʹ (diyos) at pneʹo (hingahan; hipan), kaya literal itong nangangahulugang “hiningahan ng Diyos.” Ang pandiwang Griego na pneʹo ay kaugnay ng pneuʹma, na kadalasan nang isinasaling “espiritu.” (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Ginamit ng Diyos ang kaniyang espiritu, o aktibong puwersa, para gabayan ang ilang tapat na lalaki sa pagsulat ng Salita niya. Pinatunayan ito ni Jesus nang sumipi siya sa Awit at sabihing isinulat ito ni David “udyok ng banal na espiritu.” (Mat 22:43, 44; Aw 110:1) “Sa pamamagitan ng banal na espiritu” naman ang mababasa sa katulad na ulat sa Mar 12:36. Sinabi rin ni Pedro na may mga taong “nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.” (2Pe 1:21) Sa Hebreong Kasulatan, ito rin ang punto ni Haring David nang sabihin niya: “Ang espiritu ni Jehova ay nagsalita sa pamamagitan ko.” (2Sa 23:2) Kapansin-pansin na ganito ang pagkakasalin sa Hebreo ng isang Bibliya mula noong ika-19 na siglo (may code na J17 sa Ap. C4) sa unang bahagi ng 2Ti 3:16: “Ang buong Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos.”—Tingnan sa Glosari, “Kanon (kanon ng Bibliya).”

      kapaki-pakinabang: Ipinaliwanag ni Pablo na ang Salita ng Diyos ay kapaki-pakinabang (o “nakakatulong”) sa maraming bagay. Dahil tagapangasiwa si Timoteo, responsibilidad niya na gamitin nang mahusay ang Salita ng Diyos para tulungan ang mga tao, sa loob man o labas ng kongregasyon. (2Ti 2:15) Gayundin, kailangan ng lahat ng Kristiyano na gamitin ang Salita ng Diyos para ituwid ang kanilang kaisipan at paggawi at maiayon ito sa kalooban ng Diyos.

      pagtuturo: Tumutukoy sa pagtuturo ng katotohanan at tamang paggawi.—Tit 1:9.

      pagsaway: Responsibilidad ng mga tagapangasiwang Kristiyano na sawayin ang “mga namimihasa sa kasalanan.” (1Ti 5:20 at study note; Tit 1:13) Gamit ang Kasulatan, matiyagang ipapaunawa sa kanila ng mga tagapangasiwa na lumilihis na sila sa mga prinsipyo sa Bibliya at tutulungan silang magbago. (Gal 6:1; 2Ti 4:2) Magagamit din ng mga Kristiyano ang Kasulatan para ituwid ang kanilang sarili.

      pagtutuwid: Ang salitang Griego na ginamit dito ay nangangahulugan ng pagbabalik ng kung ano ang tama o pag-aayos ng may diperensiya.

      pagdidisiplina ayon sa katuwiran: Magagamit ang Salita ng Diyos sa pagdidisiplina, o pagsasanay, na ayon sa pamantayan ng Diyos ng tama at mali.—Heb 12:11; tingnan sa Glosari, “Katuwiran.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share