Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tito 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 para mapayuhan* nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa, mahalin ang kanilang mga anak,

  • Tito 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 upang mapanauli nila sa katinuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang asawa,+ na ibigin ang kanilang mga anak,+

  • Tito
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:4

      Ang Bantayan,

      6/15/2005, p. 22

      10/1/1995, p. 16

      6/15/1994, p. 21

  • Mga Study Note sa Tito—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:4

      mapayuhan nila ang mga nakababatang babae: Ang salitang Griego na isinalin ditong “mapayuhan” ay puwede ring isaling “mapaalalahanan; masanay.” Kaugnay ito ng mga terminong isinasaling “may matinong pag-iisip” sa ibang bahagi ng liham na ito. (Tit 1:8; 2:2, 5, 6) Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang ito ay puwedeng tumukoy sa pagtuturo sa iba na maging maingat, gumawi nang angkop, o maging matalino sa pagdedesisyon. Makakapagbigay ng ganiyang maibiging tulong ang matatandang babae sa nakababatang mga babae kung magpapakita sila ng mabuting halimbawa at magbibigay ng payo mula sa Kasulatan. Nagtitiwala si Pablo na tatandaan ng tapat na mga Kristiyanong babae ang mga payong isinulat niya tungkol sa paggalang sa dignidad at personal na buhay ng iba.—1Te 4:11; 1Ti 5:13.

      mahalin ang kanilang asawa: Ang salitang Griego na ginamit ni Pablo para sa pariralang ito ay kadalasan nang ginagamit bilang papuri sa isang mahusay na asawang babae. Alam ng apostol na hindi awtomatikong mamahalin ng isang babae ang asawa niyang lalaki. Maraming babae noon ang walang kalayaang pumili ng mapapangasawa nila. Kaya sa ilang kaso, hindi ganoon kadali para sa mga babae na mahalin ang asawa nila.

      mahalin ang kanilang mga anak: Gaya ng naunang ekspresyon (“mahalin ang kanilang asawa”), ang pariralang ito ay salin ng isang salitang Griego na kadalasan ding ginagamit bilang papuri sa isang mahusay na asawang babae. Ipinapakita ng payo ni Pablo na ang likas na pagmamahal ng ina sa mga anak niya ay puwede pang mapalalim. Mapapatibay ng matatandang babae ang mga pamilya sa kongregasyon kung papayuhan nila ang nakababatang mga ina na patuloy na mahalin at patnubayan ang mga anak nila.—2Ti 1:5; 3:14, 15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share