Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filemon 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ako mismong si Pablo ang sumusulat nito:* Babayaran ko iyon, kahit na utang mo rin sa akin ang buhay mo.

  • Filemon 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Akong si Pablo ay sumusulat sa pamamagitan ng aking sariling kamay:+ babayaran ko iyon—huwag nang sabihin pa sa iyo na, maging ang iyong sarili man ay utang mo sa akin.

  • Filemon
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 19

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 241-242

  • Mga Study Note sa Filemon
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19

      Ako mismong si Pablo ang sumusulat nito: O “Ako, si Pablo, ang sumusulat nito gamit ang sarili kong kamay.” Malamang na si Pablo mismo ang sumulat ng maikling liham na ito, kahit na hindi niya iyon karaniwang ginagawa; dahil kung talagang may problema sa paningin si Pablo, mahihirapan siyang gawin iyon. (Tingnan ang study note sa Gal 4:15; 6:11.) Pero sinasabi ng ilang iskolar na posibleng gumamit lang dito si Pablo ng isang lagda niya at sumulat ng ilang salita gamit ang sarili niyang kamay. Alinman diyan ang totoo, ang sulat-kamay niya ay nagdagdag ng bigat sa kahilingan niya at nagsilbing garantiya sa pangako niyang bayaran ang anumang utang ni Onesimo.

      utang mo rin sa akin ang buhay mo: Ipinapahiwatig ng ekspresyong ito na tinulungan ni Pablo si Filemon na maging Kristiyano. (Tingnan ang study note sa Flm 1.) Ipinapaalala dito ni Pablo kay Filemon na nalugi man siya sa pinansiyal, walang-wala ito kung ikukumpara sa mga pagpapalang natanggap niya.—Flm 18; ihambing ang Efe 1:18; 2:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share