Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Dahil dito, mga banal na kapatid, mga kabahagi sa makalangit na pagtawag,*+ isipin ninyo ang apostol at mataas na saserdote na kinikilala* natin—si Jesus.+

  • Hebreo 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Dahil dito, mga banal na kapatid, mga kabahagi sa makalangit na pagtawag,+ isaalang-alang ninyo ang apostol+ at mataas na saserdote na ating ipinahahayag+—si Jesus.

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:1

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 159

      Ang Bantayan,

      7/15/1998, p. 11-12

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:1

      mga banal na kapatid: Sa unang pagkakataon, direktang pinatungkol ni apostol Pablo sa mga Hebreong Kristiyano ang liham na ito; tinawag niya silang “mga banal na kapatid.” Kadalasan nang tinatawag ng unang-siglong mga Kristiyano ang mga kapananampalataya nila na “kapatid.” (Heb 10:19) Sa mga liham, tinatawag din nila ang ibang mga Kristiyano na “mga banal.” (Heb 6:10; 13:24) Dito, pinagsama ni Pablo ang dalawang ekspresyong ito. Si Pablo at ang mga kapananampalataya niya ay magkakapatid dahil kabilang sila sa iisang espirituwal na pamilya. (Tingnan ang study note sa Ro 1:13.) At banal sila dahil dinalisay sila at ibinukod para sa Diyos at sa paglilingkod sa kaniya.—Tingnan ang study note sa Ro 1:7.

      mga kabahagi sa makalangit na pagtawag: Dahil sa pagtawag, o paanyaya, ng Diyos sa mga pinahirang Kristiyano, nagkaroon sila ng pag-asang mamahala kasama ni Kristo sa langit. (Ro 8:17, 30; 1Co 1:26, 30; Apo 5:9, 10; tingnan ang study note sa Col 1:20.) Sa Kautusang Mosaiko pa lang, binanggit na ang pag-asang iyan. (Exo 19:5, 6) Pero matutupad lang ang “pangako ng walang-hanggang mana” sa langit dahil sa haing pantubos ni Kristo Jesus. (Heb 9:14, 15 at study note) Dahil ito sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos. Ang mga nanampalataya lang kay Jesus ang binigyan ng makalangit na pag-asa.—Tingnan ang study note sa Fil 3:14; 2Ti 1:9.

      isipin: Ang pandiwang Griego na isinalin ditong “isipin” ay nangangahulugang “pag-isipang mabuti.” Pinapayuhan ni Pablo ang mga Hebreong Kristiyano na bulay-bulayin at pag-isipang mabuti ang papel ni Jesus bilang “apostol at mataas na saserdote.” Habang mas naiintindihan nila ang papel ni Jesus, mas magiging determinado silang manatiling tapat.—Heb 3:6.

      apostol: Ang isang apostol ay isang taong isinusugo para maging kinatawan. (Tingnan ang study note sa Ju 13:16; Glosari, “Apostol.”) Matatawag na apostol si Jesus dahil isinugo siya ng Diyos para maging kinatawan Niya sa lupa. (Ju 3:17; 6:57; 7:29 at study note; 1Ju 4:14) Sa Heb 3:2-6, ipinakita ni Pablo kung paano nakahihigit si Jesus kay Moises, na matatawag ding apostol dahil isinugo siya ng Diyos sa Paraon bilang kinatawan Niya.—Exo 3:10; 4:28; 7:16.

      kinikilala: O “ipinahahayag.” Kinikilala ng isang tao si Jesus kung inihahayag niya ang katapatan at pananampalataya niya kay Jesus. (Sa Heb 4:14; 10:23, ang salitang Griego para sa “kinikilala” ay isinaling “ihayag” at “ipahayag.”) Sa kontekstong ito, idiniriin ni Pablo na kailangan ng mga Kristiyano na kilalanin ang papel ni Jesus bilang nakahihigit, permanente, at maunawaing Mataas na Saserdote.—Heb 2:17; 4:14, 15; 7:24, 27.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share