Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Dahil ang bawat taong pinili para maging mataas na saserdote ay inatasang maglingkod sa Diyos para sa mga tao,+ nang sa gayon ay makapaghandog siya ng mga kaloob at hain para sa mga kasalanan.+

  • Hebreo 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sapagkat ang bawat mataas na saserdote na kinukuha mula sa mga tao ay inaatasan alang-alang sa mga tao sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos,+ upang siya ay makapaghandog ng mga kaloob at mga hain para sa mga kasalanan.+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:1

      Ang Bantayan,

      1/15/2012, p. 27

      8/15/2000, p. 14

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:1

      maglingkod sa Diyos: Posibleng dalawang aspekto ng gawain ng isang mataas na saserdote ang naiisip dito ni Pablo. Una, gaya ng lahat ng saserdote sa Israel, kinakatawan ng mataas na saserdote ang bayan sa harap ni Jehova. Inihahain ng mga saserdote ang handog ng bayan at nagsusumamo para sa kanila. Sa Araw ng Pagbabayad-Sala, ang mataas na saserdote lang ang maghahain ng mga handog. (Lev 16:2, 17, 24) Ikalawa, kinakatawan din ng mga saserdote si Jehova sa harap ng bayan sa pamamagitan ng pagtuturo tungkol sa Diyos at sa mga kautusan niya.—Lev 10:8-11; Mal 2:7; tingnan din sa Glosari, “Saserdote.”

      mga kaloob at hain para sa mga kasalanan: Sa Kautusang Mosaiko, may ilang bagay na puwedeng ihandog ng bayan kay Jehova bilang pasasalamat o para makuha ang pagsang-ayon niya. (Lev 7:11, 12; Deu 16:17) Ang ilang handog naman ay pambayad-sala. (Lev 4:27, 28) Pero dito, ipinapakita ng konteksto na ang ekspresyong “mga kaloob at hain” na ginamit ni Pablo ay tumutukoy sa anumang inihahandog ng mataas saserdote. (Heb 5:3; ihambing ang Lev 9:7; 16:6.) Ganiyan din ang pagkakagamit ng apostol sa “mga kaloob at mga hain” sa Heb 8:3 at 9:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share