Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 5:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At pagkatapos niyang maging perpekto,+ siya ang naging daan para sa walang-hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kaniya,+

  • Hebreo 5:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 at pagkatapos na siya ay mapasakdal,+ siya ang nagkaroon ng pananagutan sa walang-hanggang kaligtasan+ ng lahat ng sumusunod sa kaniya,+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:9

      “Tagasunod Kita,” p. 56-57

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 169

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1084

      Kaunawaan, p. 9-10, 1211-1212

      Ang Bantayan,

      5/15/2009, p. 11

      6/1/2006, p. 13

      1/15/1990, p. 17

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:9

      pagkatapos niyang maging perpekto: Nilalang ang Anak ng Diyos bilang isang perpektong espiritu; at sa buong buhay niya bilang tao sa lupa, “hindi siya nagkasala.” (1Pe 2:22) Pero para magampanan niya ang isang espesyal na atas, ang pagiging Mataas na Saserdote para sa mga tao, kailangan niyang “maging perpekto” sa isa pang diwa. Ang mga salitang Griego na isinasaling “maging perpekto,” “perpekto,” o “pagiging perpekto” ay puwedeng mangahulugang maging ganap, maabot ang isang tunguhin, at matupad ang isang layunin. (Ihambing ang study note sa 1Co 13:10.) Noong nabuhay si Jesus bilang tao, naging perpekto siya, o kuwalipikadong-kuwalipikado, na maglingkod bilang maunawaing mataas na saserdote dahil napanatili niya ang katapatan niya sa lahat ng pagsubok, kahit pa nga sa harap ng kamatayan.—Heb 2:17; 4:15; 5:10; tingnan ang study note sa Heb 2:10.

      siya ang naging daan para sa walang-hanggang kaligtasan: Ang Diyos na Jehova ang pinakapinagmumulan ng “walang-hanggang kaligtasan.” (Isa 45:17) Pero si Jesus ang gagamitin niya para mailigtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan, na minana nila kay Adan. (Ihambing ang Luc 1:68, 69 at study note; 2:30.) Dahil si Jesus ang Mataas na Saserdote, “siya ang naging daan” para maligtas ang masunuring mga tao. Tinatawag din si Jesus na “Punong Kinatawan para sa kaligtasan.”—Heb 2:10 at study note; tingnan din ang study note sa Gaw 3:15; 1Ti 1:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share