-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nang minsanan at walang hanggan ang bisa nito: Ipinapakita ng pariralang ito ang malaking kaibahan ng handog ni Jesu-Kristo bilang Mataas na Saserdote at ng handog ng lahat ng matataas na saserdote sa Israel mula sa angkan ni Aaron. Kailangang maghandog ng di-perpektong mga lalaking iyon para sa sarili nilang kasalanan at sa kasalanan ng bayan. (Lev 4:3, 13-16) Taon-taon silang naghahandog sa Araw ng Pagbabayad-Sala. (Heb 10:1) Puwede rin silang mangasiwa sa paghahain ng pang-araw-araw na mga handog kung gusto nila. Pero isang beses lang naghandog si Jesus, at perpekto iyon. Ito ang pinakamagandang handog, at walang hanggan ang bisa nito para sa lahat ng tapat na tao. Inaalis nito ang kasalanan magpakailanman, at hindi na kailangang ulitin ang paghahandog nito.—Heb 9:12 at study note, 26, 28; 10:1, 2, 10; 1Pe 3:18.
-