Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Media Gallery - Hebreo

  • Hebreo 1

  • Video ng Introduksiyon sa Aklat ng Hebreo

  • Nakahihigit sa mga Handog na Hayop ang mga Handog ng Papuri ng mga Kristiyano

  • Liham ni Pablo sa mga Hebreo

  • Hebreo 6

  • Angklang Gawa sa Kahoy at Metal

  • Hebreo 9

  • “Kandelero na Yari sa Purong Ginto”

  • Ang Mesa ng Tinapay na Pantanghal

  • Ang mga Tapyas ng Bato ng Tipang Kautusan

  • Ang Tolda

  • Hebreo 13

  • Nakahihigit sa mga Handog na Hayop ang mga Handog ng Papuri ng mga Kristiyano

Ang mga ilustrasyon at 3D video sa Media Gallery na ito ay maingat na sinaliksik. Pero interpretasyon lang ito ng artist at, kung minsan, isa lang ito sa maraming posibilidad.

Ang Mesa ng Tinapay na Pantanghal

Ang Mesa ng Tinapay na Pantanghal

Sa unang silid ng tabernakulo na tinatawag na Banal, makikita ang isang mesa na gawa sa kahoy ng akasya at nababalutan ng purong ginto. Nasa ibabaw ng mesa ang “tinapay na pantanghal,” o “tinapay na panghandog” ayon sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Exo 25:30; Heb 9:2) Sa pangitaing nakita ni Moises sa Bundok Sinai, detalyadong sinabi ni Jehova sa kaniya kung paano gagawin ang mesang ito. (Exo 25:9, 23-29; Bil 8:4) Dapat na dalawang siko ang haba nito, isang siko ang lapad, at isa’t kalahating siko ang taas. (Tingnan ang Ap. B14.) Ang ekspresyong Hebreo na isinalin na “tinapay na pantanghal” ay literal na nangangahulugang “tinapay ng mukha.” Ang salita para sa “mukha” ay tumutukoy minsan sa pagiging nasa “harap,” o presensiya, ng isa. (2Ha 13:23) Ang tinapay na pantanghal ay laging nasa harap ni Jehova bilang handog. Tuwing Sabbath, kailangang maglagay ng isang saserdote ng 12 bagong tinapay sa mesa. Magkakapatong ang tig-anim na tinapay sa dalawang salansan. (Lev 24:4-8) Binanggit ni Pablo ang mesa ng tinapay na pantanghal noong ipinapaliwanag niya ang lumang tipan at tabernakulo at ikinukumpara ang pisikal na mga bagay na ito sa nakakahigit na makalangit na mga bagay.​—Heb 8:5.

Kaugnay na (mga) Teksto

Heb 9:2
Hebreo 1
Hebreo 6
Hebreo 9
Hebreo 13
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share