Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • hf seksiyon 5 mga bahagi 1-2
  • Kung Paano Makakasundo ang mga Kapamilya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Makakasundo ang mga Kapamilya
  • Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 1 TAMANG PANANAW SA IYONG MGA KAPAMILYA
  • 2 MANINDIGAN KAPAG KAILANGAN
  • Maging Tapat sa Isa’t Isa
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Umasa sa Diyos Para sa Masayang Pag-aasawa
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Pakitunguhan Nang May Paggalang ang Iyong Asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Pagkatapos ng Araw ng Kasal
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
hf seksiyon 5 mga bahagi 1-2
Hindi sang-ayon ang biyenan sa pagluluto ng manugang

SEKSIYON 5

Kung Paano Makakasundo ang mga Kapamilya

“Damtan ninyo ang inyong sarili ng . . . kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang pagtitiis.”​—Colosas 3:12

Nang magpakasal kayo, naging isang bagong pamilya kayo. Bagaman hindi mawawala ang pagmamahal at paggalang mo sa iyong mga magulang, ang asawa mo na ngayon ang pinakaimportanteng tao sa iyo. Baka mahirapan ang mga magulang mo na tanggapin ito. Pero makatutulong ang mga simulain sa Bibliya para maging timbang, at makasundo mo ang iyong mga kapamilya, pati na ang mga kamag-anak, habang bumubuo kayong mag-asawa ng sarili ninyong pamilya.

1 TAMANG PANANAW SA IYONG MGA KAPAMILYA

Mag-asawang naglalaan ng panahon para sa kanilang magulang

ANG SABI NG BIBLIYA: “Parangalan mo ang iyong ama at ang iyong ina.” (Efeso 6:2) Anuman ang edad mo, kailangan mo pa ring igalang ang iyong mga magulang. Huwag kalimutan na anak din ang asawa mo, at kailangan niyang bigyan ng atensiyon ang mga magulang niya. “Ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin,” kaya huwag isiping kaagaw mo sila sa iyong asawa.​—1 Corinto 13:4; Galacia 5:26.

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Iwasan ang mga salitang gaya ng “Lagi na lang akong minamaliit ng pamilya mo” o “Kahit kailan, wala na ‘kong ginawang tama sa nanay mo”

  • Tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa pananaw ng iyong asawa

2 MANINDIGAN KAPAG KAILANGAN

ANG SABI NG BIBLIYA: “Iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan siya sa kaniyang asawa at sila ay magiging isang laman.” (Genesis 2:24) Kapag nag-asawa ka, baka maisip ng mga magulang mo na pananagutan ka pa rin nila, at baka gusto nilang magkaroon ng mas malaking papel sa inyong pagsasama kaysa sa kinakailangan.

Kayong mag-asawa ang magpapasiya kung ano ang limitasyon nila sa inyong pagsasama. Puwede mo itong sabihin sa kanila nang prangkahan, pero sa magalang na paraan. (Kawikaan 15:1) Ang kapakumbabaan, kahinahunan, at pagkamatiisin ay makatutulong para magkaroon kayo ng magandang kaugnayan sa inyong mga kapamilya. Sa gayon, patuloy ninyong ‘mapagtitiisan ang isa’t isa sa pag-ibig.’​—Efeso 4:2.

Nag-uusap ang mag-asawa; niregaluhan ng mag-asawa ang kanilang magulang

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Kung pakiramdam mo ay medyo nanghihimasok na ang inyong mga kapamilya, pag-usapan ninyo itong mag-asawa kapag kalmado kayo

  • Pagkasunduan kung paano ninyo haharapin ang bagay na ito

SIKAPING UNAWAIN

Mahalagang unawain ang nadarama at pananaw ng inyong mga magulang. Mabuti ang kanilang intensiyon, at talagang nagmamalasakit sila sa inyo. Maaaring mahirap para sa mga magulang ninyo na tanggaping wala na kayo sa poder nila. Baka nga maisip pa nila na kinalimutan na ninyo sila. Pero sa tulong ng mga simulain ng Bibliya at bukás na komunikasyon, maigagalang pa rin ninyo ang inyong mga magulang at mapananatiling matibay ang inyong pag-aasawa.

TANUNGIN ANG SARILI . . .

  • Bakit natural lang na maging interesado ang mga biyenan ko sa pagsasama naming mag-asawa?

  • Paano ko uunahin ang aking asawa, nang hindi ko naiwawala ang paggalang sa aking mga magulang?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share