ESPONGHA
Ang sumisipsip, maganit, at elastikong kalansay ng ilang hayop-tubig na sagana sa katubigan ng silangang Dagat Mediteraneo at iba pang mga lugar. Malamang na ang mga espongha ay manu-manong kinukuha (noon gaya rin sa ngayon) ng mga maninisid mula sa mga batuhan sa ilalim ng dagat. Kapag ang hayop ay namatay at nabulok sa loob ng kalansay nito, ang espongha ay hinuhugasang mabuti hanggang sa kalansay na lamang ang matira.
Dahil sa kakayahan ng espongha na sumipsip ng mga likido at mapiga, naging mahalaga ito sa komersiyo noong sinaunang panahon. Habang si Jesu-Kristo ay nasa pahirapang tulos, inalok siya ng maasim na alak na ipinasipsip sa esponghang nasa dulo ng isang tambo.—Mat 27:48; Mar 15:36; Ju 19:29.