Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Buni”
  • Buni

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Buni
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Napabilad ang Herpes at AIDS
    Gumising!—1985
  • Datiles
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hunyango
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Palakol
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Buni”

BUNI

Isang nakahahawang sakit sa balat na kakikitaan ng hugis-singsing na mga patse. Ang salitang ito ay lumilitaw sa Bagong Sanlibutang Salin sa Levitico 21:20 at 22:22, anupat salin ito ng salitang Hebreo na yal·leʹpheth. Ang fungi ang sanhi ng buni at maaari itong masumpungan sa mga hayop at tao. Sa mga tao, maaaring lumitaw ang buni hindi lamang sa mabuhok na mga bahagi ng katawan, lalo na sa anit ng mga bata at sa balbas ng mga adulto, kundi pati rin sa mga bahagi ng katawan na walang buhok. Ang huling nabanggit na uri ay pabilog kung tumubo, malarosas ang kulay at kadalasan ay may nakapalibot na pagkaliliit na butlig sa gilid nito. Habang lumalaki ang patse, kumikinis ang gitnang bahagi nito, anupat lumilitaw ang karaniwang hugis-singsing na hitsura nito.

Bagaman ang yal·leʹpheth ay isinasalin sa pamamagitan ng iba pang mga termino para sa sakit sa balat, iniuugnay ito ng tradisyong Judio sa Egyptian herpes o lichen. Ginamit ng mga tagapagsalin ng Griegong Septuagint para sa yal·leʹpheth ang lei·khenʹ, na maaaring tumukoy sa buni. Kaya naman iminumungkahi ng mga iskolar sa Hebreo na sina L. Koehler at W. Baumgartner ang salin na “buni, herpes.”​—Lexicon in Veteris Testamenti Libros, Leiden, 1958, p. 383.

Ang isang lalaking mula sa makasaserdoteng angkan ngunit may buni ay hindi kuwalipikadong maghandog ng mga handog kay Jehova. (Lev 21:20, 21) At ang mga hayop na mayroon nito ay hindi dapat ihandog bilang hain sa Diyos.​—Lev 22:22.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share