Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bartolina”
  • Bartolina

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bartolina
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Bilangguan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Si Jehova ay Hari
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
  • Teolohiya sa Pagpapalaya—Isang Lunas Para sa Third World?
    Gumising!—1987
  • Kalayaan—Totoong Kanais-nais!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bartolina”

BARTOLINA

Isang madilim at maliit na silid, na kadalasa’y nasa ilalim ng lupa at ginagamit na bilangguan. Ang salitang Hebreo para sa “bartolina” (mas·gerʹ) ay nagmula sa salitang-ugat na nangangahulugang “isara.” (Gen 19:6; Huk 3:23) Sa pakiramdam ni David ay para siyang nasa bartolina noong nagtatago siya sa isang yungib dahil tinutugis siya ni Haring Saul. Waring napakadilim ng kaniyang kalagayan, laging nanganganib ang kaniyang buhay, may mga bitag na nakaumang sa landas niya, at wala nang ibang dakong matatakbuhan. Nanalangin siya kay Jehova na palayain siya. (Aw 142:7) Ginamit ni Isaias ang terminong ito sa makasagisag na paraan sa dalawang talata: (1) Hinggil sa pagtutuon ni Jehova ng pansin sa “hukbo ng kaitaasan” (posibleng tumutukoy sa masuwaying mga anghel) at sa “mga hari sa lupa,” sinabi ng propeta na ang mga ito ay “ikukulong sa bartolina” at pagtutuunan ng pansin “pagkatapos ng maraming araw,” marahil ay tumutukoy sa pansamantalang pagpapalaya sa masuwaying mga anghel. (Isa 24:21, 22; ihambing sa Apo 20:1-3.) (2) Sa Isaias 42:7, binanggit ng propeta ang bartolina nang ihula niya ang isang paglaya mula sa espirituwal na kadiliman at pagkabilanggo. Sa ilalim ng pagkasi, ikinapit ng matanda nang si Simeon ang huling nabanggit na hula doon sa mga dadalhan ni Jesu-Kristo ng liwanag ng katotohanan.​—Luc 2:25-32; tingnan ang BILANGGUAN.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share