Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 8/8 p. 18-20
  • Teolohiya sa Pagpapalaya—Isang Lunas Para sa Third World?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Teolohiya sa Pagpapalaya—Isang Lunas Para sa Third World?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Teolohiya sa Pagpapalaya
  • Ang Teolohiya sa Pagpapalaya at ang Vaticano
  • Sino ang Tama​—Ang Simbahan o ang mga Teologo Nito?
  • Ang Teolohiya sa Pagpapalaya at ang Bibliya
  • Tunay na Pagpapalaya
  • Teolohiya sa Pagpapalaya—Tutulungan Kaya Nito ang Mahihirap?
    Gumising!—1987
  • Isang Problema Para sa Taimtim na mga Katoliko
    Gumising!—1987
  • Ang Iyo Bang Relihiyon ay Dapat na Nakikilahok sa Pulitika?
    Gumising!—1988
  • Ang Katolisismo sa Third World—Gaano Katatag?
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 8/8 p. 18-20

Teolohiya sa Pagpapalaya​—Isang Lunas Para sa Third World?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Mexico

NGAYON, maraming bansa sa Third World sa Aprika, Asia, at Latin Amerika ang hirap na hirap at nahahadlangan sa maraming paraan. Pinararatangan ng mga tao sa marami sa mga lupaing ito ang kanilang umiiral na mga pamahalaan at lokal na mga lider ng relihiyon ng pang-aapi. Sinisisi ng iba ang kanilang kasalukuyang mga programa ng pangungutang sa ibang bansa. Gayunman, may bumangon na ipinalalagay ng ilan na isang lunas para sa Third World​—ang teolohiya sa pagpapalaya (liberation theology).

Noong Disyembre 8, 1986, mahigit na 2,000 katao​—karamihan ay mga Katoliko​—ang nagtipon sa National Autonomous University of Mexico (UNAM) ng Mexico City upang pag-usapan ang “Teolohiya sa Pagpapalaya sa Third World.” Ang mga tagapagsalita​—kapuwa Katoliko at Protestante​—ay bahagi ng isang pangkat ng relihiyosong mga iskolar na nagkakatipon sa Oaxtepec, Mexico, para sa Ikalawang Ekomenikal na Asamblea ng mga Teologo sa Third World. Ang una ay ginanap sa Sri Lanka noong 1981. Ano ang layunin ng mga miting na ito? Upang pag-usapan ang pagsulong at kinabukasan ng teolohiya sa pagpapalaya.

Ano ang epekto ng teolohiya sa pagpapalaya sa Third World? Naisasagawa ba nito ang mga tunguhin nito? May kinabukasan ba ito? Ang mga kasagutan sa mga katanungang ito ay mas mainam na mauunawaan sa pagsusuri muna kung ano baga ang teolohiya sa pagpapalaya at kung ano ang nilalayon nitong gawin.

Teolohiya sa Pagpapalaya

Sang-ayon sa pahayagan ng Mexico City na La Jornada, sinasabi ng teologong Katoliko na taga-Brazil na si Frei Betto na ang teolohiya sa pagpapalaya ay isang “kritikal na paglalarawan ng gawaing pagpapalaya sa mahihirap, na ang pinakasaligan ay ang Bibliya, tradisyong Kristiyano, at ang mga turo ng mga guro ng simbahan.” Subalit anong paraan ang ipinalalagay na mahalaga sa “gawaing” ito ng pagpapalaya?

Ang mga teologo sa pagpapalaya ay sumasang-ayon na ang paggamit ng lakas​—pisikal na karahasan​—ang lunas sa ilang mga bansa. Kaya kahit na ang mga paghihimagsik laban sa umiiral na mga pamahalaan, gaya niyaong sa Nicaragua at sa Pilipinas, ay hindi lamang sinasang-ayunan ng mga tagapagtaguyod ng teolohiya sa pagpapalaya kundi hinihimok pa nga. Ito’y nangangahulugan ng aktibong pakikisangkot sa pulitika. Ganito ang sabi ni Frei Betto: “Imposibleng isagawa ang ating pananampalataya nang hindi nakikilahok sa pulitika.” Subalit ano ang saligan ng kanilang paniniwala?

Ang Bibliya ay sinasabing isang pinagmumulan ng “inspirasyon” na nagtataguyod sa teolohiya sa pagpapalaya. Ang teologo sa pagpapalaya na taga-Peru na si Gustavo Gutiérrez​—itinuturing na “ama ng teolohiya sa pagpapalaya”​—ay nagsasabi na “ang pagpapalaya sa Israel ay isang pulitikal na pagkilos, ang pag-alis o paglayo sa isang kalagayan ng . . . kahirapan at ang pagpapasimula ng pagtatayo ng isang makatarungan at pangkapatid na lipunan.”

Gayunman, mas mahalaga pa sa mga teologo sa pagpapalaya ang tinatawag nilang “mga pamayanang himpilian o base.” Ito ay mga pangkat kung saan ang “pastoral na pangangalaga” sa mahihirap ay sinasamahan ng edukasyon at mga panawagan para sa pulitikal na pagkilos. Sa Brazil lamang mahigit na apat na milyong mga Katoliko ang mga membro ng 70,000 mga pamayanang himpilan. Oo, ang pagkilos ay isinasagawa sa bahagi ng mga teologo sa Third World upang tamuhin ang kanilang mga tunguhin.

Ang Teolohiya sa Pagpapalaya at ang Vaticano

Gayunman, ang pag-unlad ng teolohiya sa pagpapalaya ay hindi nangyari nang walang pagtatalo. Noong Agosto 6, 1984, inilabas ng Vaticano ang Instrucción Sobre Algunos Aspectos de la Teología de la Liberación (Instruction on Some Aspects of Liberation Theology) nito, hinahatulan ito bilang “isang pagbibigay ng maling kahulugan sa mensaheng Kristiyano.” Sinasabi nito na ang “sistematiko o kusang paggamit ng karahasan, saanman ito maaaring manggaling, ay dapat na ipagbawal.”

Pagkatapos noong 1985 ang Vaticano ay kumuha ng mahigpit na pagkilos laban sa “pinakakontrobersiyal na teologo sa pagpapalaya,” ang paring Franciscano na taga-Brazil na si Leonardo Boff, hinahatulan siya ng isang taon ng “penetensiyal na hindi pag-imik.” Subalit pagkaraan ng 11 buwan nagkaroon ng pagbabago.

Sang-ayon sa magasing Newsweek, ‘Ang Roma ay kumuha na isang bagong paninindigan tungkol sa teolohiya sa pagpapalaya.’ Si Boff ay binigyan ng papa ng “amnestiya,” at noong Marso 22, 1986, ang mahinahong Instrucción Sobre Libertad Cristiana y Liberación (Instruction on Christian Freedom and Liberation) ay ipinadala sa mga punung-tanggapan ng simbahan. Ito’y nagsasabing “ganap na makatuwiran lamang na kumilos yaong mga dumaranas ng pang-aapi mula sa nagtataglay ng kayamanan o pulitikal na kapangyarihan taglay ang legal na mga paraan, upang makuha ang mga gusali at mga institusyon kung saan ang kanilang mga karapatan ay tunay na igagalang.” Ang “armadong paglaban” ay ipinalalagay ngayon na maaari na. Sinundan pa ni Papa John Paul II ang instruksiyon na ito ng isang liham sa mga obispong taga-Brazil na nagsasabi na “ang Teolohiya sa Pagpapalaya ay hindi lamang napapanahon kundi kapaki-pakinabang at mahalaga sa Latin Amerika.” Subalit bakit ang gayong pagbabago ng saloobin?

Sang-ayon sa Iglesya Katolika, ang pagpapalabas ng ikalawang instruksiyon ay upang “tugunan ang kabalisahan ng kapanahong tao habang tinitiis niya ang pang-aapi at ninanasa ang kalayaan.”

Gayunman, may mga nag-aakala na nagkamali ng tantiya ang simbahan sa lakas ng teolohiya sa pagpapalaya at nagulat sila. Pagkatapos maparusahan si Boff, dalawang kardinal at apat na obispo ang nagtungo sa Roma upang ipagtanggol siya. Sampung obispo ang lumagda ng isang liham na nagsasabing ang parusa kay Boff ay isang dagok sa karapatan ng tao. At ang mga paring Katoliko sa lahat ng dako sa Third World ay waring abalang-abala sa “gawaing pagpapalaya.”

Sino ang Tama​—Ang Simbahan o ang mga Teologo Nito?

Maliwanag na ang simbahan, nakakaharap ang nababaha-bahaging mga elemento sa loob mismo ng mga may katungkulan sa simbahan, ay nagsusumikap na ipagtanggol ang awtoridad nito. Si Boff, at ang iba pa ay puspusang nakikipaglaban upang muling hubugin ang simbahan sa kung ano ang inaakala nilang nararapat dito.

Ngunit sila kapuwa ay nabigo. Sa anong bagay? Nang tanungin kung anong saligan ang ginagamit upang sukatin ang pagiging totoo ng tradisyon at ng doktrina o turo ng simbahan, si Gustavo Gutiérrez ay nagpaliwanag sa Gumising! na ang katotohanan “ay isang pagkaalam ng pagtanggap sa isang pamayanang Kristiyano.” Oo, kabilang sa iba pang mga bagay, ang palagay ng nakararami at ang karunungan ng tao ay siyang saligan ng kanilang pagpapaliwanag, samantalang ang Bibliya ay iniiwan sa likuran. Hindi ito dapat na mangyari. Bakit hindi?

Ang Teolohiya sa Pagpapalaya at ang Bibliya

Ang Bibliya, at ang Bibliya lamang, ang “kinasihan ng Diyos” at dapat “gamitin sa pagtuturo, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pag-akay sa matuwid na buhay at sa pagtuturo sa kanila na maging banal.” (2 Timoteo 3:16, The Jerusalem Bible) Ang Bibliya ay nagbababala rin na ‘ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos.’ (1 Corinto 3:19) Kaya, ano ang masasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa teolohiya sa pagpapalaya?

Bagaman hindi ginagamit ng Bibliya ang katagang “teolohiya sa pagpapalaya,” ito ay bumabanggit ng pagpapalaya. Sa katunayan, isa sa pinakamalakas na mensahe ng Bibliya sa sangkatauhan ay yaong tungkol sa pagpapalaya. (Roma 8:12-21) Gayunman, dapat tandaan na ang pagpapalaya sa Israel mula sa Ehipto ay sa pamamagitan ng pakikialam ng Diyos. Ngunit nang ang mga Israelita ay kumilos nang hiwalay sa Diyos, sila ay isinumpa niya at nagdusa.

Ngayon, ang aktibong pakikibahagi ng relihiyon sa mga kilusang panlipunan ay kadalasang nagbubunga ng karahasan. Subalit, si Jesu-Kristo ay hindi interesado sa pakikialam ng relihiyon sa pulitika. Nang si apostol Pedro ay gumamit ng “tabak” upang ipagtanggol ang Anak ng Diyos, pinagwikaan siya ni Jesus sa pagsasabing: “Isauli mo ang iyong tabak sa lalagyan, sapagkat lahat ng naghahawak ng tabak ay sa tabak mamamatay.” (Mateo 26:51, 52) Gayunman, ito’y hindi nangangahulugan na wala nang pag-asa na ang katuwiran ay maisasauli sa lupa.

Tunay na Pagpapalaya

Sang-ayon sa pangako ng Bibliya, sa itinakdang panahon ng Diyos siya ay makikialam sa mga suliranin ng tao. “Ang mga balakyot . . . ay lilipulin sa mismong lupa; at kung tungkol sa mga magdaraya, sila’y bubunutin dito.” (Kawikaan 2:22) Ano ang mangyayari roon sa mga nagnanais ng kalayaan mula sa kahirapan at kawalang-katarungan? “Ang mga maaamo ang siya mismong magmamay-ari ng lupa, at tunay na kanilang masusumpungan ang katangi-tanging kasiyahan sa kasaganaan ng kapayapaan. Mamanahin mismo ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailanman.”​—Awit 37:11, 29.

Hindi ka ba masisiyahang mamuhay sa lupa sa ilalim ng gayong kahanga-hangang mga kalagayan? Ilarawan mo sa iyong isipan ang isang daigdig na wala nang kahirapan, internasyonal na mga labanan, pagtatangi ng lahi, o pang-aapi. Subalit hindi lamang iyan. Ginagarantiya ng Salita ng Diyos na aalisin din niya ang sakit, kirot, at kalungkutan. Kahit na ang kamatayan ay magiging isang lipas na bagay! Hindi ba ito ay magiging ang pinakadakilang kapahayagan ng pagpapalaya?​—Apocalipsis 21:4.

[Blurb sa pahina 19]

“Ang Teolohiya sa Pagpapalaya ay . . . kapaki-pakinabang at mahalaga sa Latin Amerika.”​—Papa John Paul II

[Blurb sa pahina 20]

Si Jesu-Kristo ay hindi interesado sa pakikialam ng relihiyon sa pulitika

[Mga larawan sa pahina 18]

“Imposibleng isagawa natin ang ating pananampalataya nang hindi nakikilahok sa pulitika.”​—Frei Betto

“Ang pinakakontrobersiyal na teologo sa pagpapalaya,” si Leonardo Boff, ay pinatahimik ng papa sa loob ng 11 buwan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share