JUNIAS
Isa na tumanggap ng pantanging mga pagbati sa liham ni Pablo sa mga taga-Roma (16:7). Sina Andronico at Junias ay “mga kamag-anak” niya. Bagaman ang salitang Griego na ginamit dito ay maaaring mangahulugang “kababayan,” ang pangunahing kahulugan ay “kadugong kamag-anak sa iisang salinlahi.” Ang dalawang ito ay ‘mga kapuwa bihag’ ni Pablo, posibleng nakasama niya sa bilangguan. Kapuwa sila tinawag ni Pablo na “mga lalaking kinikilala sa gitna ng mga apostol,” marahil ay ginugunita ang kanilang mainam na reputasyon sa mga apostol. Sila ay ‘mas matatagal nang kaisa ni Kristo kaysa kay Pablo mismo,’ anupat nagpapahiwatig na nauna silang naging mga alagad.