Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagtatamasa ng Isang Mainit na Ugnayan ng Magbiyenan
    Gumising!—1990 | Pebrero 22
    • Pagkilala sa Bagong Buklod

      Ang Bibliya ay nagbibigay ng malinaw na larawan ng maka-Kasulatang kaayusan ng pag-aasawa. Matapos likhain ng Diyos ang unang mag-asawang tao at pagbuklurin sila, itinatag niya ang sumusunod na simulain: “Kaya’t iiwan ng lalaki ang ama niya at ina niya at pipisan sa kaniyang asawa at sila’y magiging isang laman.” (Genesis 2:24) Kaya nararapat kilalanin ng bagong mag-asawa na pumasok na sila sa isang bagong buklod. Dapat na silang makipisan sa isa’t isa bilang nabubukod na yunit bagaman nakikitira pa sila sa kanilang mga biyenan.

      Gayumpaman, ang paglisan sa ama’t ina ay hindi nangangahulugan na kapag ang mga anak ay nag-asawa na maaari na nilang talikuran ang kanilang mga magulang at na hindi na nila kailangang igalang at parangalan ang mga ito. “Huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lamang sa siya’y matanda na,” ang payo ng Bibliya. (Kawikaan 23:22) Subalit, sa pag-aasawa, mayroong pagbabago sa mga ugnayan. Habang isinasaisip ito ng bawat miyembro ng pamilya, maaaring makinabang ang bagong mag-asawa sa karanasan at karunungan ng mga magulang.

  • Pagtatamasa ng Isang Mainit na Ugnayan ng Magbiyenan
    Gumising!—1990 | Pebrero 22
    • Kung gayon, paano magkakaroon ng isang aktibong papel ang asawang lalaki sa pagkakaroon ng kapayapaan sa kaniyang pamilya? Sabi ni Mitsuharu na ang pagkakapit niya ng mga simulain ng Bibliya ay nakatulong sa kaniyang pamilya. “Ang buklod sa pagitan ng isang ina at ng kaniyang anak na lalaki ay napakalakas kahit na ang anak na lalaki ay naging adulto na,” sabi niya, “kaya kailangang gumawa ng pagsisikap ang anak na lalaki na ‘iwan ang ama niya at ina niya at pumisan sa kaniyang asawa.’ ” Kaniyang ikinapit ang simulain sa pamamagitan ng pakikipag-uusap sa kaniyang asawa lamang ng mga bagay tungkol sa pag-aalaga at pagsasanay sa bata, at hindi niya inihambing ang kaniyang asawa sa kaniyang ina pagdating sa gawaing bahay. “Ngayon,” sabi pa niya, “iginagalang namin at ng aking mga magulang ang isa’t isa. Batid ng bawat isa sa amin kung kailan ang pakikialam ay ikasasamâ ng loob at kung kailan ang tulong at pakikiisa ay pahahalagahan.”

      Bilang karagdagan sa ‘pakikipisan sa kaniyang asawa,’ kailangang maging tagapamagitan ang asawang lalaki sa kaniyang ina at sa kaniyang asawa. (Genesis 2:24) Kailangan siyang maging mabuting tagapakinig at hayaang isiwalat nila ang kanilang damdamin. (Kawikaan 20:5) Ang asawang lalaki, na natutong mataktikang hawakan ang mga sitwasyon, ay inaalam muna kung ano ang nadarama ng kaniyang asawa. Pagkatapos, sa harap ng kaniyang asawa, kinakausap niya ang kaniyang ina tungkol sa mga usaping nasasangkot. Sa pamamagitan ng pagganap sa kaniyang papel bilang tagapayapa, makatutulong ang isang anak na lalaki na lumikha ng kaaya-ayang mga ugnayan sa tahanan sa pagitan ng dalawang babaing kaniyang minamahal.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share