Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Abel-mehola
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • ABEL-MEHOLA

      [Daanang-tubig ng Pagsasayaw].

      Ang sariling bayan ni Eliseo, kung saan siya nasumpungan ni Elias habang nag-aararo siya at kung saan siya pinahiran nito bilang kahaliling propeta.​—1Ha 19:16-19.

      Mas maaga rito, binanggit ang Abel-mehola sa ulat hinggil sa pagkatalo ng mga Midianita sa kamay ng maliit na pangkat ng mga mandirigma ni Gideon. Dahil sa magulong pagtakas ng mga Midianita, iniulat na nakarating sila “hanggang sa mga hangganan ng Abel-mehola sa tabi ng Tabat.”​—Huk 7:22.

  • Abel-mehola
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Gayunman, sa katunayan ay ipinahihiwatig ng ulat hinggil sa pagtugis ni Gideon sa mga Midianita na ang mga ito ay nasa K (sa halip na nasa S) ng Jordan nang maganap ang pangyayaring tinutukoy sa Hukom 7:22. (Tingnan ang Huk 7:24.) At, kung tungkol naman sa paglalakbay ni Elias patungo sa Ilang ng Damasco, ipinakikita ng ulat na hindi ito kaagad isinagawa, kundi sa halip ay isinagawa ito ng kaniyang kahaliling si Eliseo pagkalipas ng ilang panahon. (1Ha 19:15-19; 2Ha 8:7-13) Dahil dito, patuloy na inirerekomenda ng ilang tekstong heograpiko ang isang lugar sa K ng Jordan sa halip na sa S nito. (The Geographical and Topographical Texts of the Old Testament, ni J. Simons, Leiden, 1959; The Geography of the Bible, ni D. Baly, 1957; at Atlas of the Bible, ni L. H. Grollenberg, 1956) Ipinapalagay nina Jerome at Eusebius ng unang mga siglo ng Karaniwang Panahon na ang Abel-mehola ay isang lugar na 10 milyang Romano (15 km; 9 na mi) sa T ng Bet-sean (sa K ng Jordan). Ang The Land of the Bible, ni Y. Aharoni, ay nagsasabi: “Ang Abel-mehola ay mas tiyakan na ngayong iniuugnay sa Tell Abu Sus na nasa [kanlurang] pampang ng Jordan, 15 km. sa timog ng Bet-sean.” (Isinalin at inedit ni A. Rainey, 1979, p. 313) Ang kalapit na kapatagan ng Bet-sean ay angkop na angkop sa malawakang pagsasaka.​—Ihambing ang 1Ha 19:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share