Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Napagtagumpayan Nila ang mga Tinik sa Kanilang Laman
    Ang Bantayan—2002 | Pebrero 15
    • 11. Ano ang sinabi ni Ziba tungkol kay Mepiboset, ngunit bakit alam nating kasinungalingan ang sinabi niya? (Tingnan ang talababa.)

      11 Nang maglaon, kinailangang makipagpunyagi ni Mepiboset sa isa pang tinik sa kaniyang laman. Siya ay siniraang-puri ng kaniyang lingkod na si Ziba kay Haring David, na noo’y tumatakas mula sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom, ang anak ni David. Sinabi ni Ziba na si Mepiboset ay buong kataksilang nagpaiwan sa Jerusalem sa pag-asang matamo para sa kaniyang sarili ang pagkahari.a Pinaniwalaan ni David ang paninirang-puri ni Ziba at ibinigay tuloy ang lahat ng ari-arian ni Mepiboset sa sinungaling na iyon!​—2 Samuel 16:1-4.

  • Napagtagumpayan Nila ang mga Tinik sa Kanilang Laman
    Ang Bantayan—2002 | Pebrero 15
    • a Ang isang ambisyosong pakana na tulad nito ay malayong gawin ng gayong mapagpahalaga at mapagpakumbabang taong tulad ni Mepiboset. Walang-alinlangang alam na alam niya ang tapat na halimbawang iniwan ng kaniyang ama, si Jonatan. Bagaman isang anak ni Haring Saul, mapagpakumbabang kinilala ni Jonatan si David bilang siyang pinili ni Jehova na maging hari sa Israel. (1 Samuel 20:12-17) Bilang may-takot sa Diyos na magulang ni Mepiboset at matapat na kaibigan ni David, hindi tuturuan ni Jonatan ang kaniyang batang anak na maghangad ng maharlikang kapangyarihan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share