-
Nanindigan Siya Para sa Bayan ng DiyosAng Bantayan—2011 | Oktubre 1
-
-
Tiyak na gayon na lang ang takot ni Esther nang makarating sa kaniya ang mensaheng iyon. Malaking pagsubok ito sa kaniyang pananampalataya. Sinabi niya kay Mardokeo ang kaniyang ikinatatakot. Ipinaalaala niya rito ang batas ng hari. Ang pagpunta sa hari nang hindi ipinatatawag ay nangangahulugan ng tiyak na kamatayan. At maliligtas lang ang nagkasala kung iuunat sa kaniya ng hari ang ginintuang setro. May dahilan ba si Esther na umasang kaaawaan siya ng hari, lalo na kung iisipin ang nangyari kay Vasti nang tumanggi itong humarap sa hari noong ipatawag ito? Sinabi rin niya kay Mardokeo na 30 araw na siyang hindi ipinatatawag ng hari! Dahil dito, inisip niya na baka nawala na sa kaniya ang pabor ng hari na mabilis magbago ang isip.d—Esther 4:9-11.
-
-
Nanindigan Siya Para sa Bayan ng DiyosAng Bantayan—2011 | Oktubre 1
-
-
d Si Jerjes I ay kilaláng pabagu-bago ang isip at marahas. Iniulat ng Griegong istoryador na si Herodotus ang ilang halimbawa noong nakikipagdigma si Jerjes laban sa Gresya. Nagpagawa ang hari ng isang tulay sa kipot ng Hellespont. Nang masira ng bagyo ang tulay na ito, iniutos ni Jerjes na pugutan ng ulo ang mga inhinyerong gumawa nito at “parusahan” ang Hellespont sa pamamagitan ng paghampas sa tubig nito habang binabasa nang malakas ang isang nakaiinsultong proklamasyon. Sa digmaan ding iyon, nang makiusap ang isang mayamang lalaki na huwag nang isama ang kaniyang anak sa hukbo, ipinahati ni Jerjes ang katawan ng anak nito at idinispley bilang babala.
-