Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 8/1 p. 32
  • Sino ang Dapat Sisihin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang Dapat Sisihin?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 8/1 p. 32

Sino ang Dapat Sisihin?

Sinisisi ng marami ang Diyos sa kanilang mga problema. Ganito ang sabi ng isang kawikaan sa Bibliya: “Ang mismong kamangmangan ng isang tao ay sumisira ng kaniyang buhay, at pagkatapos ay naghihinanakit siya sa Panginoon.” (Kawikaan 19:3, The New English Bible) Gayunman, ang papanagutin ang Diyos sa mga kasawian ng tao ay katulad ng paninisi sa isang tagagawa ng kotse dahil sa paglaganap ng mga aksidenteng bunga ng pagmamaneho nang lasing.

Nagbigay ang Diyos ng mahalagang patnubay sa sangkatauhan sa kaniyang Salita, ang Bibliya. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa banal na aklatang ito at pamumuhay ayon sa mga batas at mga simulaing naririto, maiiwasan natin ang marami sa mga patibong sa buhay. Sa kabaligtaran, kapaha-pahamak ang sumalungat sa patnubay ng Diyos. Halimbawa, kadalasang dumaranas ng kalunus-lunos na resulta sa kalusugan yaong labis kumain, manigarilyo, labis uminom, o gumagawa ng imoralidad. (Lucas 21:34; 1 Corinto 6:18; 2 Corinto 7:1) Ang Kristiyanong apostol na si Pablo ay sumulat: “Anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin; sapagkat siya na naghahasik may kinalaman sa kaniyang laman ay mag-aani ng kasiraan mula sa kaniyang laman, ngunit siya na naghahasik may kinalaman sa espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan mula sa espiritu.”​—Galacia 6:7, 8.

Mas mabuti nga na mamuhay ayon sa mga batas at mga simulain ng Diyos! Kung gagawin natin ito, mararanasan natin ang katunayan ng pangako ng Diyos na sinalita sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran. Oh kung sana’y talagang magbibigay-pansin ka sa aking mga utos! Kung magkagayo’y magiging gaya ng isang ilog ang iyong kapayapaan, at ang iyong katuwiran ay gaya ng mga alon ng dagat.”​—Isaias 48:17, 18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share